Chapter 43

2.4K 115 12
                                    

(Note to Readers: PLEASE DON'T FORGET TO PLAY THE SONG ABOVE ↑)



Hindi naman nahirapan tukuyin ni Jane ang address nina Marsha. Mabuti na lamang at nabanggit niya ito habang nagkukwentuhan sila dati. Kulimlim ang panahon at nagbabadyang bumuhos ang ulan. Nag-park siya sa tapat ng isang bakery sa highway. Bumaba siya at minabuting tanungin ang eksaktong bahay nina Marsha. "Pangalawang bahay lang mula sa kanto," ang sabi ni tindera ng bakery. Hindi naman nag atubili si Jane at agad na pinuntahan ang itinuro ng babae.



Pagliko niya sa kanto ay biglang kumipot ang kalsada. Sementado ito, pero lumilitaw na ang mga aspalto. May maliit na basketball court sa kanang bahagi at kabi-kabila ang sari-sari store na nagmistulang mga kabute. May mangilan-ngilan ding bata na naglalaro sa kalye. Nagpatuloy siya paglalakad hanggang matunton niya ang bahay: Number 12, may nakalagay na Santos Residence sa gate nito. Kumatok siya sa bakal na gate; walang lumalabas. Kinalampag niya ito nang mas malakas. At matapos ang ilang minuto na tuloy-tuloy na pagkalampag ni Jane sa gate, may nagbukas na ng front door. Si Marsha.



Bakas ang pagkagulat sa mata ni Marsha nang makita nito si Jane. Agad siyang lumapit sa gate at binuksan ito, "Anong ginagawa mo dito, Jane?" Hindi nakasagot si Jane. "Halika, pasok ka." Pumasok si Jane sa bahay kasunod ni Marsha, "Upo ka. Do you want anything?"



Madilim ang loob ng bahay, siguro sa dami na rin ng palamuti na naka-display dito. Kabi-kabila din ang mga imahen ng Santo. Sa isang banda naman ay may isang mesa na puno ng family pictures nila. At bigla niya din napansin na naka-display na ang mga nawawalang picture frames mula sa unit ni Marsha. Tumayo si Jane at nilapitan ito. Kumuha siya ng isang picture frame mula sa mesa at pinag aralan niya ito, "I didn't go all the way here para makiinom o makikain, Marsh. At dito mo pala dinala ang mga picture frames na dati ay nasa unit mo. Nag-alala kasi ako, akala ko nilooban ka or kaya naman ay binalikan ka ni Rex," sarkatiskong pahayag ni Jane.



Inagaw ni Marsha ang picture frame mula sa kamay ni Jane, "Why are you here, Jane? Tama ka, I'm sure hindi ka nagpunta dito para makiinom or makikain or makitingin ng family pictures namin. So tell me why are you really here, Jane?"



"Ikaw Marsha, why are you here?" Bakas ang galit sa boses ni Jane.



"Bahay ko 'to, nandito ang pamilya ko. What a stupid question, Jane!"



"Alam mong hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Bakit ka talaga nandito? Umalis ka nang walang paalam. Ni hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, mga page or text ko sa'yo. Nag-alala ako! Pinagmukha mo akong tanga! Alam mo ba kung ilang beses ako nagpabalik-balik sa bangko ninyo para tanungin kung mayroon silang alam."



"Walang naman nagsabing gawin mo 'yon, Jane. Kaya 'wag mong isumbat kung nagmukha kang tanga," hindi kumukurap si Marsha at halos walang expression ang kanyang mukha.



Parang binagsakan ng langit at lupa si Jane nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Marsha, "Tama ka nga naman. Pinili kong maging tanga. Sige, I will accept it. But you owe me an explanation...you owe me that much. Bakit ka umalis nang walang paalam, Marsha?" Hindi sumagot si Marsha na tila nangangapa kung anong isasagot kay Jane, "Answer me!" sigaw ni Jane.



"Dahil hindi ko kaya! Hindi ko kayang panindigan ka o ang relasyon natin. Hindi ako matapang kagaya mo. Duwag ako. Takot ako. Nahihiya ako-nahihiya ako sa mga sinasabi ng ibang tao. Noong sinundo mo ako sa bangko at hinalikan mo ako, pagkatapos noon ay lagi na lang akong pinagpi-pyestahan ng mga officemates ko. Ultimong mga cliente namin alam na tomboy ako. 'Di ko kaya, Jane. 'Yong halos wala ka ng mukha na ihaharap sa tuwing papasok ka sa trabaho. Kaya nga agad akong nagpa-transfer ng branch. Mabuti nga at tinulungan pa ako ni Ma'am Tine na mapa-transfer dito sa Lucena. Mas mabuti na din daw 'yon kaysa malaman pa sa head office at baka matanggal pa ako sa trabaho. At alam mo ba kung bakit tumawag ang Mama ko noong araw na nagdi-dinner tayo ng Mommy mo? Kasi may nakakita daw sa atin at kinausap siya. At ang swerte ko pa kasi mga tsismosa ang nakakita. Kaya eto, alam na ng buong bayan namin na may ka-relasyon akong babae. At hindi lang 'yon Jane, nang malaman ito ng Papa ko inatake siya sa puso. Hindi mo ba napapansin at walang tao dito sa bahay? Wala, 'di ba? Kasi nasa ospital silang lahat at binabantayan ang Papa ko. Tapos ako naandito lang sa bahay kasi hindi ako pwedeng pumunta sa ospital...kasi ayaw nila akong makita. Galit na galit silang lahat sa akin. Kulang na lang itakwil nila ako. Ngayon Jane, kailangan ko pa ba ng consent mo bago ako umalis?" nangingiyak sa galit si Marsha.



"You could've have just told me all of these," mahinahong sagot ni Jane.



"And what?-and what Jane? What will you do? Magpe-press release ka na, 'Hey everyone! Marsha is not my girlfriend and she is not a lesbian, gano'n ba, Jane?" sarkastikong pahayag ni Marsha. Humagulgol si Marsha habang napaupo sa kanilang sofa, "Tama na Jane...tama na. Let's not pretend na maaayos pa natin ang lahat. Aminin na natin, hindi ako kagaya mo. Hindi ako kasing tapang mo. At hindi lahat ng bagay kaya natin ayusing dalawa."



"'Yan ba ang reason kung bakit kahit once hindi ko narinig sa 'yo na mahal mo ako? Not even once, Marsha."



Hindi sinagot ni Marsha ang huling tanong na 'yon ni Jane at lalong lumakas ang kanyang pag-iyak, "I guess this would be the best for everyone. I'm sorry, Jane."



Hindi napigilan ni Jane ang kanyang luha. Walang kasing sakit ang mga narinig na iyon mula kay Marsha. Hindi na siya sumagot o nakipagtalo pa kay Marsha. Hindi na rin niya hinintay ang iba pang sasabihin ni Marsha. Para sa kanya, sapat na ang mga narinig. Everything was clear. Kaya mabilis siyang lumabas ng bahay nina Marsha. Halos hindi siya makahinga pagdating sa kotse. Naisip niya tuloy, "Minahal kaya talaga ako ni Marsha? Kahit konti? O ginawa niya lang akong rebound kay Rex?" At kasabay nang pag-iyak ni Jane ay ang malakas na buhos ng ulan.


The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon