Chapter 51

2.5K 105 11
                                    

Palubog na ang araw at ang Taal Volcano ay unti-unti nang natatakpan ng lalong kumakapal na fog. Bakas pa rin sa mukha ni Yasmin ang pagkabigla sa mga nalaman tungkol sa kanyang Auntie. Matagal niya nang kasama ang kanyang Auntie pero hindi niya alam na mabigat pala ang pinagdaanan nito. Ang kwento kasi ng kanyang Mommy ay broken hearted daw ito sa dating nobyo kaya naman hindi na nakapag asawa. At doon, napagdugtong-dugtong ni Yasmin na totoo ang ikinuwento ng kanyang Auntie. Hindi tanggap at ikinahiya siya ng pamilya nila noong nalaman ang tungkol sa kanila ni Jane. Tinignan muli ni Yasmin ang kanyang Auntie, at doon ay lubos niyang naintindihan kung bakit kahit kailan ay hindi niya ito nakitang masaya. Nakaramdam siya ng awa. Yasmin loved her so much and she will do anything to take her pain away. Pero sa ngayon ang tangi niya lamang magagawa ay ang makinig at damayan ito.



"Noong araw na pumunta sa bahay si Jane, gusto ko siyang habulin at pigilang umalis. I wanted to tell her how sorry I was and how I wanted her to stay—I wanted to tell her how much I love her. Pero natakot ako, naduwag ako. Gusto ko siyang ipaglaban pero hindi ko kaya, hindi ko magawa. Inisip ko sina Mama. Alam kong nasaktan ko na sila at ayoko nang dagdagan pa. Naiintindihan ko naman sila. Tama naman talaga sila, kasalanan ko talaga kung bakit inatake noon si Papa," kwento ni Marsha.



"But Auntie, do not blame yourself for everything that happened. I'm sorry to say this, but Tito didn't die because of heart attack. And we all know that. He died because he was seriously ill. So please-please stop blaming yourself. Hindi mo kasalanan. Siguro nga, nagkamali ka once. Pero you gave her up-you gave up your own happiness for your family."



"And it took them five years bago nila ako napatawad. Well, except for your Mom. Kahit kailan, hindi nag-iba ang pagtingin niya sa akin. Alam kong mahirap para sa kanyang intindihin, but she did it anyway. She never questioned me. Noong nasa Australia kami, tanging Mommy mo lang ang dumadalaw sa akin kapag may mga okasyon. Laking pasasalamat ko na lang din kay Mamang dahil she was always there for me. Tinulungan niya akong makapag-adjust nang mabilis sa Australia." Maya-maya pa ay kinuha ni Marsha ang isang gold necklace mula sa loob ng kanyang blouse at tinignan ito.



Napansin ito ni Yasmin at agad na naisip na ito ang kwintas na ibinigay ni Jane noong birthday ng kanyang Auntie Marsha, "You still wear it all these years-Auntie, is it worth it?-I mean, all these years...it must have been so hard and so painful."



Tinignan muli ni Marsha ang kwintas at muli na itong ipinasok sa loob ng kanyang blouse, "Hard and painful? Sobra-sobra. Kaya kapag sobra akong nalulungkot, iniisip ko na lang ang masasaya naming pinagsamahan ni Jane. I hated myself because I was too weak and I regret the day I let her go. And if you're asking me if it's worth it?—Yes. Because Jane is the reason why I keep on fighting. And she is the only reason why I still breathe. And through her, I've learned that you can actually love a person kahit hindi mo na siya kasama, kahit matagal na kayong hindi nagkikita o nakakapag-usap. And I intend to love her until my last breath."



At hindi na napigilan ni Marsha na maiyak nang mga sandaling iyon. Lumapit sa kanya si Yasmin at hinawakan nito ang kanyang kamay, "Auntie Marsh, alam mong bawal sa iyo ang umiyak. Mabuti pa po, pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga ka na din. You need to rest."



Mabilis na pinunasan ni Marsha ang luha sa kanyang mga mata, "You go ahead, susunod na din ako maya-maya."



"Are you sure? Gusto mo bang pasamahan kita kay Yaya Minyang dito?" nag-aalalang tanong ni Yasmin.



"No, hindi na. Kaya ko na 'to. Papasok na din ako maya-maya, I promise." Hindi na nakipagtalo si Yasmin at tumayo na ito mula sa garden bench at nagsimula nang lumakad palayo nang biglang tinawag siya mula ni Marsha, "Yasmin, I forgot to ask you something."



Bumalik si Yasmin at muling lumapit sa kanyang Auntie, "What is it, Auntie?"



"Have you prepared the documents yet? I need to sign it as soon as possible."



"Yes, tapos na po lahat. But are you really sure about this, Auntie? Kasi kung hindi, pwede ko uling kausapin si Atty. Ignacio. I could have it—"



Naputol ang sinasabi ni Yasmin nang biglang sumabat si Marsha. "It's okay, Yasmin. And thank you for doing it for me." Tumango na lamang si Yasmin at pagkatapos ay iniwan na din niya ang kanyang Auntie.




Samantala, tumayo si Marsha mula sa kinauupuan at lumapit sa may pasemano na naghihiwalay mula sa kanyang bahay at sa matarik na overlooking view ng Taal Volcano. Pinikit niya ang kanyang mga mata habang dinarama niya ang pino at malamig na pagaspas ng hangin sa kanyang mukha. Naputol ang kanyang pagmumuni-muni sa isang boses na isinisigaw ang kanyang pangalan, "Marsha!" 


Humahangos papalapit sa kanya si Yaya Minyang at may dala-dala itong dalawang towel sa kanyang kamay. Kasabay nang pagmulat ng kanyang mga mata ay may naramdaman siyang tumulo sa pagitan ng kanyang mga binti. Tumungo si Marsha at nakita niya na ang kanyang Khaki capri pants ay nagmistulan na palang kulay pula. Malakas at tuloy-tuloy ang pagtulo ng mapulang dugo sa kanyang binti.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon