Chapter 5

5.4K 150 2
                                    

(Doorbell rang)



"Coming!" sigaw ni Jane habang tumatayo sa kanyang study table. Pumunta siya sa may pinto at sumilip siya sa maliit na salamin nito para makita kung sino ang kanyang bisita. Si Ambers nga, "Pasok," ang yaya ni Jane sa kaibigan.



Nang buksan niya ang pinto, hindi maiwasang makita nina Jane at Ambers ang bagong lipat na tenant sa tapat. Naiwan nitong bukas ang pinto. Nakita nilang nakikipag talo siya sa isang lalaki. "Boyfriend niya siguro," naisip ni Jane. Mataas ang lalaki, long-haired. Naka-sleeveless siyang itim na may print na bungo sa harapan. Mayroon din siyang Dragon tattoo sa left arm niya. Naka hikaw sa parehong tenga. Typical na isang rakista na makikita mo sa Club Dredd. Naisip tuloy ni Jane, "Ano kayang nagustuhan niya dito sa lalaking ito? Paano sila nagkakasundo? Eh obviously, magkaiba sila ng trip." Pagkatapos ay nakita ni Jane na mahigpit ang hawak ng lalaki sa braso ng babae. Bakas sa mukha nito ang sakit, habang pilit niyang inaalis ang kamay ng lalaki sa kanyang braso. Parang nanonood ng pelikulang "Dahas" ng mga oras na iyon sina Jane at Ambers...iyong tipong "When Love Turns Into Madness" ang eksena. At nagmistulang sina Maricel Soriano at Richard Gomez ang bida. Naputol ang imagination ni Jane nang mapansin ni Club Dredd at ng babae na may audience pala sila. Mabilis na umiwas ng tingin sina Jane at Ambers. Inalis ni Club Dredd ang mahigpit na pagkakahawak sa braso ng babae at pagkatapos ay bigla niyang isinara ng malakas ang pinto. End of Movie.



Tumingin si Ambers kay Jane at pumasok na ng unit, "Weirdos!"



Tinignan muli ni Jane ang katapat na unit bago ito tuluyang sumunod kay Ambers at pumasok, "Alam mo ba I literally bumped into that girl kanina. Tinulungan ko siyang magpulot ng mga gamit niya. Ni thank you, wala!—Oo, kasalanan ko nga kasi nagbabasa ako ng pager at 'di ako tumitingin sa nilalakaran ko. Nag-sorry naman ako sa kanya—twice. Tapos nagpaka-friendly pa ako and I even introduced myself to her. Aba, N.R. lang!" nanggagalaiting kuwento ni Jane.



Nilabas ni Ambers ang take out food sa four-seater dining table ni Jane, "Looks like your new neighbors are emotionally disturbed," sabay tawa ng malakas. Binuksan niya ang mga take out box at inabot ang isa kay Jane, "Teka, eh bakit parang affected ka 'ata?" panunuksong tanong ni Ambers.



Hindi sumagot si Jane. Tumayo siya mula sa dining table at pumunta sa may kitchen para kumuha ng dalawang Coke in can. Ang totoo niyan, umalis din siya ng dining table para makaiwas sa tanong ng bestfriend niya. At habang nasa kusina, hindi maialis ni Jane na mapaisip at magtanong, "Okay na kaya siya? Sinasaktan kaya talaga siya ng boyfriend niya?" Madaming tanong—at kasama na din ang tanong na, "Bakit ko nga ba siya iniisip?"



Bumalik si Jane sa dining table at inabot sa kaibigan ang soda. Binuksan ni Ambers ang Coke in can at lumagok ng isang beses, "Janey, after this alis na tayo agad ha...Kasi I heard super traffic daw sa may Ayala. At sobrang hirap pa daw kumuha ng taxi."



Hindi sumagot si Jane. Nakatulala siya, habang hawak ang kanyang kutsara. Napansin siya ng kaibigan, "Huy, okay ka lang ba? Hindi mo ba gusto yung food? 'Di mo kasi sinabi kung anong bibilhin ko kaya ayan, KFC na lang ang binili ko."



"Ha?—Hh—hindi, okay lang. May naisip lang ako bigla," sagot ni Jane. Hindi na sumagot si Ambers at nagkibit-balikat na lamang ito. Alam ni Jane na hindi naniniwala ang kaibigan sa kanya. Masyado na siyang kilala ni Ambers kaya't kabisadong-kabisado na siya nito kapag may tinatago o kapag nagsisinungaling siya. Laking pasasalamat na lamang niya nang hindi na nag-urirat ang kaibigan.



At habang sila'y kumakain, hindi pa rin niya maialis na magtanong sa sarili, "Why am I so affected?"

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon