Chapter 33

2.5K 108 10
                                    

Nagpatuloy si Rex sa paglapit kay Marsha. Mapula ang kanyang mga mata at mukhang lango sa alak. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Marsha sa kanya.



"Is that how you welcome your boyfriend? Para naman tayong walang pinagsamahan nyan. Hindi mo ba ako nami-miss? Ako kasi miss na miss na kita, Marsh," nakangising pahayag ni Rex.



"Tapos na sa atin ang lahat Rex. Ayoko na! Sawang-sawa na ako." Tatalikod na sana siya nang bigla siyang hinablot ng mahigpit sa braso, "Ano ba? Nasasaktan ako! Bitiwan mo nga ako, bitiwan mo ako!"



Nanlalaban at nagpupumiglas si Marsha, "At lumalaban ka na ngayon, ha?" Biglang sinampal ni Rex si Marsha at napaupo ito sa lapag. Lumapit si Rex, lalong nanlilisik ang mga mata. Hinawakan niya ng madiin ang mukha ni Marsha, "Anong ayaw mo na ha?! Bakit may pinagmamalaki ka na ba? Sinong pinagmamalaki mo? May lalaki ka na ba ha, Marsha? Sumagot ka!" Marsha didn't respond while she almost suffocated from the smell of cheap Brandy coming from Rex's stinking mouth. Pilit niyang inaabot ang bag na nasa lapag at pagkatapos ay hinataw niya ito ng malakas kay Rex. Tinamaan niya sa mata si Rex. At dali-daling tumakbo si Marsha papalayo sa kanya, "Tang inang babaeng 'to!" hawak ni Rex ang kaliwang mata. "Yari ka sa akin! You know you can't get away from me, Marsha.-Never!" Tumayo na si Rex at hinabol si Marsha.



Malapit na si Marsha sa elevator nang dumating si Jane. "Jane!" umiiyak at humahangos si Marsha papalapit kay Jane.



Nang makita siya ni Jane ay nagmamadali siyang sinalubong nito, "Marsha, what happened? Bakit ganyan ang ayos mo?" natatarantang tanong ni Jane.



"Si Rex. Andyan si Rex. Andyan siya!" nangangatal ang boses ni Marsha. Ang mga kamay niya ay nanginginig at kitang-kita ang takot sa mga mata niya.



Maya-maya pa ay dumating at nakita na sila ni Rex, "Ikaw na namang pakialemerang babae ka!" Napunta ang kanyang atensyon kay Jane. "Ano na naman ang ginagawa mo dito, ha?" Habang naglilitanya si Rex ay mabilis na tumawag si Jane sa Security Department ng Estacio.



"Eh ikaw Rex, anong ginagawa mo dito? Manggugulo ka naman ba, ha? Sinaktan mo na naman ba si Marsha? My God, you are so pathetic! You know, I pity those men who physically abuse women. Sila lang ba ang kaya ninyo? Si Marsha lang ba ang kaya mo?" sarkastikong pahayag ni Jane. "And if I were you, I'll leave right away. Paakyat na ang mga guards. Dadamputin ka na anytime soon. And I specifically instructed them to ban you from entering this building," dagdag pa niya.



Lumapit si Rex sa kanila, "Hoy babae, pag hindi ka tumigil eh baka magaya ka din dyan sa kaibigan mo. One more thing, hindi ko maintindihan kung bakit ganyan na lang ang pangingialam mo sa amin? Bakit, nanay ka ba ni Marsha?"



"I have all the right to meddle because Marsha is my girlfriend and I love her!" pagtatapat ni Jane. Nanlaki ang mata ni Marsha at nagulat sa sinabi ni Jane.



"Ha? Anong sinabi mo? Nagpapatawa ka ba?" nakangising tanong ni Rex. "Marsh, totoo bang pinagsasabi nitong babaeng to? Eh mas may tama pa 'ata sa akin ito?"



Hindi sinagot ni Marsha ang tanong ni Rex, "Please Rex umalis ka na dito. Tapos na tayo."



Parang walang narinig si Rex at lumakad ito papalapit kay Jane, "Type mo ba ang syota ko, ha? O baka naman gusto mo mag-threesome tayo?" lalong lumapit si Rex, napaatras si Jane hanggang sa mapasandal siya sa pader.



Tinulak ni Jane palayo si Rex, "Ano ba?! Ano ba?!"



At sinunggaban siya ni Rex at hinalikan, "Eto ba? Eto ba ng gusto mo?" sigaw ni Rex habang tuloy sa pagpwersa kay Jane. Nagpupumiglas at nanlalaban ito mula kay Rex.



Si Marsha naman ay tumulong at pilit hinahaltak papalayo si Rex, "Tumigil ka na, Rex! Bitiwan mo si Jane!" sigaw ni Marsha. Biglang humarap sa kanya si Rex at itinulak siya ng malakas papalayo sa kanila ni Jane. Bumagsak muli si Marsha sa lapag at sa pagbangon ay sumigaw na ito ng "tulong" ng malakas, hoping that someone will hear and help them.



Samantalang si Rex ay patuloy pa rin sa pag-harass kay Jane. Hindi natakot si Jane at patuloy pa din ito sa pagpiglas kay Rex hanggang sa nakakuha siya ng tyempo at tinuhod niya ang balls nito. Napuruhan niya si Rex at napaatras dahil sa sobrang sakit. Pasakay na sana ng elevator sina Jane at Marsha nang dumating ang dalawang Security Guards kasama ang dalawang pulis. Iika-ika pa din si Rex kaya hindi na nito nagawang tumakas o lumaban.



Kausap ni Jane ang mga pulis, "Make sure that he will stay behind bars." Nakaposas si Rex at tuluyan na siyang dinala ng mga pulis. Samantala, nakita ni Jane si Marsha na nagpupulot ng mga gamit niya. Umiiyak ito habang hawak-hawak ang isang bagay. Nilapitan niya ito at sinamahan sa pagkakaupo sa lapag, "Marsha, okay na. Wala na siya. And I'm sure this will be the last time na guguluhin ka niya."



"Nasira siya, Jane. I'm sorry. Pati ikaw nadamay pa. Kanina, noong nasa restaurant pa tayo, dapat sinabi ko na tumawag siya. Sorry Jane."



Naisip ni Jane, "Si Rex pala ang kausap ni Marsha sa cellphone. Kaya pala naging kakaiba na ang kilos at mood niya after that phone call." Nakita din ni Jane ang bagay na tinutukoy ni Marsha na nasira, ito ay ang Tamagochi na pinaalagaan niya. Basag ang screen nito at nahati sa dalawa.



Umiiyak pa rin si Marsha, "Jane, nasira siya I'm so sorry. Nasira siya, nasira siya, nasira siya..." paulit ulit na sinasabi ni Marsha habang hawak ang pira-pirasong Tamagochi sa kanyang kamay.



Niyakap siya ni Jane, "Shhh, it's okay Marsha. We'll just buy another one." Then Jane held her face and raised it, "Ang importante ay okay ka at tapos na kayo ni Rex. It's over now." At yumakap si Marsha sa kanya ng mahigpit. "I love you so much, Marsha."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon