Chapter 4

5.5K 164 0
                                    

Pagkatapos ng last class ni Jane ay dali-dali siyang bumalik sa condo. May mga term papers kasi na due at gusto niya munang umidlip bago dumating ang best friend. Nag-iisa lang siyang sakay ng elevator nang tumunog ang kanyang pager, "Pager: 'CHANGE OF PLANS. BE THERE IN 30 MINS.- AMBERS'"



Paglabas ng elevator ay subsob pa din siya sa pagbabasa ng pager. Hind niya napapansin na mayroon na pala siyang seven messages. Ang dalawa ay galing sa Daddy niya, ang apat naman sa Mommy niya at ang isa ay galing kay Erickson. "Teka, E-ERICKSON?, who the hell is Erickson?" nagtatakang tanong ni Jane sa sarili. Naglakad siya papuntang Unit 829 habang paulit-ulit niyang binasa ang messages sa beeper. At siyempre pa, tinatanong pa din niya ang sarili at pilit niyang inaalala kung sino si Erickson at kung paano nito nakuha ang kanyang pager number. Patuloy siya sa pagbabasa habang naglalakad kaya hindi niya inaasahang may papalapit na pala sa kanya na isang babaeng may dala-dalang tatlong medium sized boxes. Patong-patong ang tatlong boxes kaya't halos tinakpan nito ang view ng dadaanan ng babae. At sa isang iglap pa ay nagbanggaan ang dalawa, sabay tilapon ng dalawang boxes sa lapag.



Nagulat si Jane at dali-dali siyang yumuko para tulungan ang babaeng magpulot ng mga tumapong gamit, "Naku sorry, I didn't notice you. Sorry talaga."



Hindi sumagot ang girl, ni hindi nga siya tinignan nito habang patuloy pa din sa pagpupulot ng gamit niya. Nang matapos sila sa pagliligpit ng gamit, ay halos magkasabay silang tumayo. Kinuha ng girl ang dalawang boxes at pinagpatong-patong ang mga ito, pagkatapos ay muli niya nang binitbit.



Sabay na naglakad ang dalawa. Medyo nagulat si Jane nang makitang sa katapat na unit pala niya ito pupunta, "Oh, so you're the new tenant pala. Neighbors lang tayo. Dyan ako sa Unit 829," sabay turo ni Jane sa kapatapat na unit.



Hindi sumagot ang babae, sa halip ay tinignan lang siya nito mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay dumeretso na ito sa loob ng unit niya. Her door was already half open. Pumasok siya at dahan-dahang inilagay ang tatlong kahon sa ibabaw ng isang black leather sofa bed.



Inis na pinanood ni Jane ang babae hanggang sa maisara nito ang pinto, "' Kala mo kung sino,'di naman kagandahan!" sarkastikong bulong ni Jane sa sarili habang kinukuha niya ang susi mula sa kanyang bag.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon