Chapter 13

3.6K 138 8
                                    

Nakahiga si Marsha sa kanyang leather sofa bed at nagbabasa ng libro nang may marinig siyang katok sa pinto, "Sandali lang." Tumayo siya at lumapit sa pinto, "O, Jane ikaw pala." Hindi pa man din naiimbitahang pumasok si Jane ay tumuloy na ito at deretsong umupo sa sofa bed niya.



"You know what? Ang tagal ko na dito but I've never seen this unit's interior. Medyo maliit pala compared to mine, 'no?" Palinga-linga si Jane habang ini-eksamin ang bawat detalye ng unit ni Marsha. Ang size ng unit ni Marsha ay halos kalahati lang ng kay Jane. Medyo luma na, kupas na ang pintura at medyo naninilaw na ang tiles. Studio Type ito at ang sofa bed na din ang kanyang kama. Mayroon itong isang lumang modelong personal ref at may two-seater na dining table. Maliit din ang kitchen at bathroom nito. Luma na din ang modelo ng aircon na nakakabit dito. Maingay at mahina na ang buga ng lamig nito. Palibhasa ay matagal na itong walang cleaning service at kulang na din sa freon. Kaya naman bihira na itong gamitin ni Marsha.



"And I think you need to re-paint it. Don't worry, after my oral defense let's paint your unit. I'll choose a color. Dapat dito bright and bubbly color. Para masaya, 'di ba?—Do you mind?" sabay kuha ng isang Cartier na yosi at sinindihan ito.



"Actually, I do mind," paismid na sagot ni Marsha.



 "KJ!" Tumayo si Jane at binuksan ang pinto papuntang balcony at doon itinuloy ang pagyo-yosi. "So na-receive mo ba yung page ko sa'yo? 8 P.M. sharp dadaanan kita. And you cannot be late kasi naka-guest list tayo." Napansin ni Jane na sa kaliwang bahagi ng balkonahe ay may sinampay si Marsha, mga uniform niya sa bangko. Kaya minabuti ni Jane na patayin na ang yosi niya. Pumasok muli si Jane sa loob at nakita ang isang picture frame na nakapatong sa may tabi ng isang 14-inch T.V. Kinuha niya ito at tinignan, "Family mo?" tanong ni Jane.



Lumapit si Marsha sa kanya at kinuha ang picture frame, "Oo—Mama ko, Papa ko, tapos eto yung sumunod sa akin, 15 years old na siya," sabay turo sa isang babaeng morena sa picture. "Tapos eto naman yung bunso namin, 7 years old naman siya at magge-grade 2 na sa susunod na pasukan," dagdag pa ni Marsha. Binaba na muli ni Marsha ang picture frame at inayos ito.



"Ah...so all girls pala kayo? Tapos eight years lahat ang gap ninyo. Galing ah!" pahayag ni Jane.



"Oo nga eh...After ko kasi, nahirapan na talaga sina Mama magka-baby uli. Seaman din kasi siya so every six months lang namin siya nakakasama. Matagal din sila nagpagamot para lang masundan ako. Tapos 'yon nga, it took them eight years bago lumabas si Leila." Napatawa si Marsha habang tinutuloy ang kwento, "Tapos yung youngest naming si Chrissie, hindi na siya talaga sinasadya. Matanda na rin kasi ang parents ko noon. Minsan nga tinutukso ni Leila si Chrissie, ang sabi latak na daw siya," dagdag pang kwento ni Marsha.



"Ang cute naman. Ako I always wanted to have a sibling. Kaso 'di na talaga ako nabigyan ng baby brother or sister eh," malungkot na pahayag ni Jane. "Pero okay lang naman. Lumaki naman akong masaya. Kahit anong busy ng parents ko sa mga business nila, they see to it na they always have time for me. Kaya naman super love ko talaga sila." Tumingin si Jane sa relo niya, "Wait, I have to go. May tatapusin pa akong reaction paper bago tayo umalis tonight. I'll just see you later. Remember, don't be late ha...or Ambers will kill us."



"Teka, anong isusuot ko?" pahabol sa tanong ni Marsha.



"Jeans at blouse?—I don't know, whatever you're comfortable wearing," sagot ni Jane.



Hindi na nakasagot si Marsha at tuluyan nang lumabas ng pinto si Jane. Umupo muli si Marsha sa kanyang sofa bed. At sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong excitement. Huli niya pa itong naramdaman noong first date nila ni Rex, at magli-limang taon na ang nakalipas. Kaya naman medyo nagtataka siya sarili at sa nararamdaman. At nagsisimula na ding magtanong sa sarili si Marsha...kagaya ng mga tanong na gumugulo kay Jane.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon