Chapter 52

2.7K 110 4
                                    

The cold wind blew from the North, across the blooming Poinsettia flowers and Pine trees that surrounded the house. The sun was shining its warm golden light over Taal Volcano and amidst the foggy sky. Overlooking, the entire meadow was glowing under its morning warmth and the dew was plainly visible on all the blades of green grass nearby. The morning is young and perfect. Marsha was sitting on her favorite wooden bench, still bewildered by the picturesque Taal Volcano. The scene was almost familiar. Her hair was neatly pulled up in a bun. She was pale and noticeably thinner on her loose striped shirt and pink Bermuda shorts.



"Auntie Marsh, you have a visitor," mahinahong sabi ni Yasmin.



Hindi lumingon si Marsha, "Bisita?—for me? Papuntahin mo na lang dito please." Lingid sa kaalaman ni Marsha ay nasa garden na rin pala ang kanyang bisita. Tinignan si Yasmin ang bisita ng kanyang Auntie na para bang nagpapahiwatig na "ikaw na ang bahala sa kanya," at pagkatapos ay mabilis na silang iniwan nito.



Dahan-dahang lumakad papalapit ang bisita ni Marsha sa garden bench na kinauupuan niya, "Hi Marsh!" masayang bati ng babae.



Halos napabalikwas sa kinauupuan si Marsha nang marinig ang tinig ng kanyang bisita, pamilyar ito sa kanya. At bago pa siya lumingon, ay mabilis na bumungad sa kanyang harapan si Jane. "How's it been, Marsh?" dagdag pa ni Jane.



Tila may nakabara sa lalamunan ni Marsha at parang naubusan siya ng salita. Hindi ito nakasagot agad at bakas sa mukha niya ang pagkagulat, "Uhmm...sit down," ang tanging naisagot ni Marsha. Hindi naman nagdalawang isip si Jane at mabilis itong umupo sa tabi ni Marsha.



Hindi naging madali para sa kanila ang magsimula ng conversation. As a matter of fact, it took them five minutes bago may nakapagsalita sa kanilang dalawa, "Uhmm, paano mo?-Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" bakas ang pagaalinlangan sa boses ni Marsha.



"I saw Tine the other day sa grocery..."



"Tine? As in Ma'am Tine?" paniniguradong tanong ni Marsha.



"Yes, si Tine from the bank. Nag-grocery kami ng ann-aak ko-si Nadine when I bumped into her." Biglang umiwas ng tingin si Jane nang mabanggit ang salitang anak. "Well anyway, I got to chat with her-ayon, kamustahan. Kinamusta kita sa kanya. Kasi nga wala naman na ako talagang balita sa'yo-you know...After we-after I went to your house." Putol-putol ang kwento ni Jane na tila bang nangangapa sa mga bibitawang salita. "Uhmm....then she told me nga na nagkita raw kayo two years ago dito sa Tagaytay and you were here daw because you bought a property. Actually, nagbakasakali lang naman ako na baka ito 'yong binili mong property. Kumbaga suntok sa buwan," nakangiting kwento ni Jane. "Well I guess, my intincts never fail me." Nakatingin si Jane kay Marsha habang nagkukwento.



"Yeah, two years ago ko pa nga nabili ito," maikling sagot ni Marsha.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon