Chapter 27

2.8K 116 10
                                    

Pagdating sa Estacio ay dumeretso ang dalawa sa unit ni Marsha. Wala pa ring imik si Jane. Si Marsha naman ay parang nangangapa sa gagawin o sasabihin. Mag aalas-dose na nang magpasyang matulog ang dalawa. Pero si Jane ay nanatiling nakaupo sa kama at nagiisip. Mabilis na nakatulog si Marsha dala na din siguro ng pagod at stress ng araw na iyon. Nagising na lamang siya sa isang ingay—si Jane, umiiyak. Hindi na nakayanan ni Jane ang bigat ng loob. At nang makita ni Marsha na umiiyak si Jane ay dali-dali itong bumangon at tumabi para i-comfort siya.



"I'm so sorry, I broke down," niyakap siya ni Marsha at pinunasan ang kanyang luha. "Kailangan kasi ilabas ko ito. Para kasing sasabog ang dibdib ko kanina. And I'm sorry Marsha, you were caught off guard. Hindi man lang kita naabisuhan. Pinagbuntunan ka tuloy ni Daddy at nadamay ka pa. I just wanted to be honest to them, to myself. Masama ba 'yon? Hindi ko naman ginusto ito. Hindi ko ginustong magkaganito," lalong lumakas ang pag iyak ni Jane.



"Sssshh, tahan na. It's not your fault. Just give them some time. Intindihin mo na lang sila. Syempre nabigla din sila. All their life, they knew their daughter was straight. Tapos one day, you went and confessed to them that you're not. So you really can't expect them to accept you with open arms, 'di ba? But I'm sure sooner or later, maiintindihan ka din nila. Matatanggap ka din nila. For now, just let them be siguro. Basta I'm always here for you, always remember that," Marsha lightly kissed Jane on her forehead.



"Sana nga, sana nga Marsha. Mahal ko sina Mom and Dad pero mahalaga ka din sa akin. And I hope they won't let me choose one day. Because, I won't let go of you—I won't give up on us."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon