Chapter 48

2.5K 114 37
                                    

Two years ago...




"Good Morning, Mamang!" masayang bati ni Marsha sa kanyang Tita.



"Good Morning din. O, hindi ka na ba magbe-breakfast?" tanong ng kanyang Tita habang mag-isang nag aalmusal sa kanilang dining table.



"Hindi na ho. Magda-drive thru na lang siguro kami on our way. Late na din kasi and I don't want to catch all the traffic."



"Okay, pero 'wag mong kalimutang inumin ang gamot at vitamins mo on time. Alam mong kabilin-bilinan 'yan sa'yo. Pagkatapos bukas nga pala, uuwi tayo ng Lucena at gusto ka daw makita ni Belen, pa-despidida na rin daw sa atin. Tsaka para makuha natin 'yong ipapadala nila sa mga Mama mo," mahigpit na bilin ng kanyang Tita. Tsaka Marsha, you need to go back to Australia with me. Natapos mo na naman lahat ng gagawin mo dito, hindi ba? Okay naman na lahat ng papeles ng property mo sa Tagaytay, so I really don't see any reason para maiwan ka dito. Alam mo namang hindi pwede."



"May tatapusin lang po ako today, then we'll see. Sige po Mamang. Aalis na ako at kanina pa naghihintay si Mang Danny." Hindi na nakasagot si Mamang at dali-daling umalis si Marsha. Mabilis siyang sumakay sa isang itim na SUV, "Mang Danny, sa Cavite po tayo."




Almost five years nang hindi nakauwi si Marsha sa Pilipinas. Simula nang kinuha siya ng kanyang Tita, si Mamang para doon na magtrabaho, ni minsan ay hindi pa siya nakauwi para magbakasyon. Pagkalipas naman ng isang taon, ay sumunod na ang buong pamilya niya at nag-migrate na din sa Australia. Si Marsha na ang nag-manage ng surplus boutique ng kanyang Mamang at ngayon ay may dalawang branch na sa Sydney. Madali naman siyang nakapag-adjust doon. Kumbaga isang bagong Marsha Julia Santos ang naging buhay niya sa Australia. Isang Marsha na buo ang pagkatao, walang kumwe-kwestyon o nangungutya. Malayo sa Marshang kilala nila bago siya umalis ng Pilipinas. At sa loob din ng halos limang taon ay pinilit ni Marsha mag-move on from Jane. Nagpalit siya ng email address at lahat ng contact numbers. Sinadya niyang mawalan ng communication sa lahat ng kamag-anak, kaibigan o kahit sino pang kakilala. Wala din siyang Friendster o kahit anong klaseng social media. She's been really trying her best to forget and move-on. Kaso tila mahirap talagang kalaban ang puso.



Malakas ang kantang "Woman" ni John Lennon sa sinasakyang SUV. At napaisip si Marsha, "John Lennon is right-I'm ready now. I'm ready to fight for her and to fight for our relationship. At kahit ano pang sabihin nila o kahit sino pang kumontra, o kahit itakwil pa ako ng pamilya ko, hindi na ako matatakot. After all these years, all I still think of is her. I still love her so much. And I have high hopes na magkikita na kami nyayon so I could personally tell her how sorry I was and of course, I want to tell her how much I missed and longed for her-how much I love her."


Kahapon nagpunta siya sa Estacio Condominium, nagbabakasakali na nandoon pa rin si Jane. Naka-lock ang Unit 829 nang dumating siya at ang sabi ng Property Leasing Manager ay nasa pangalan pa rin daw ito ni Jane pero napakadalang na itong uwian. Binuksan ni Marsha ang kanyang bintana at nakita ang Aguinaldo Shrine, "Mang Danny, kaliwa po tayo."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon