Chapter 25

3.2K 116 13
                                    

Pagkatapos nilang maglunch ay nag-movie marathon sina Jane at Marsha. Mag aalas-kwatro na ng hapon nang dumating ang Mommy ni Jane. At sinabing paparating na din ang kanyang Daddy kaya sinimulan na niyang magprepare ng dinner nila. Si Marsha naman ay nagpaalam na maliligo muna. Kaya si Jane ay nagpasya munang pumunta sa garden. Dumeretso siya sa kanilang Koi pond at pinakain niya ang mga ito. Maya-maya pa ay nakita niya si Mang Bert.



"'Ta Berts, ang ganda na ng mga halaman n'yo ha...Pati ang mga Koi, ang lalaki na. Bilib na talaga ako sa inyo," pahayag ni Jane.



"Aba, salamat sa'yo. Kasi kung 'di mo ako tinanggihang maging driver, eh di hindi ako matututong maging hardinero. 'Yang mga Koi mo, maamo na 'yan. Makita lang ang lalagyan ng pagkain nila, dali-daling lumalapit 'yang mga yan sa akin," pagmamalaking kwento pa ni Mang Bert. Ngumiti lamang si Jane at medyo natigilan. "O bakit, may problema ba tayo? Mukhang malalim ang iniisip mo?" tanong pa niya.



"Wala po ito," maikling sagot ni Jane.



"School ba?"



Sabay umiling si Jane, "Hindi po 'Ta Berts. Okay naman ang grades ko. Konti na nga lang at tapos na ang College."



"Eh ano?— 'wag mong sabihing pag-ibig ang problema mo?" paguusisa ni Mang Bert. Ngumuti muli si Jane at hindi sumagot, "May maitutulong ba ako?"



Hindi rin nakatiis si Jane at unti-unting nagbukas ng kanyang saloobin, "May nagugustuhan po kasi ako. Kaso complicated siya 'Ta Berts eh—mahirap. Naguguluhan na nga po ako. 'Di ko na alam ang gagawin ko. Tsaka alam ko, hindi siya magugustuhan nina Daddy. Hindi siya matatanggap."



"Mahal mo ba?" tanong ni Mang Bert.



"Opo," maikling sagot ni Jane



Binaba ni Mang Bert ang dalang walis at umupo sa tabi ni Jane, "Kung mahal mo talaga eh 'di ipaglaban mo. 'Wag mo pating pangunahan ang mga mangyayari. Hindi pa nga siya nakikilalang lubusan ng Mommy at Daddy mo sinasabi mo na agad na hindi siya magugustuhan. 'Wag mo nang ulitin ang mga pagkakamali ko. Naging duwag ako noon. Madami akong kinakatakutan. Kaya eto, kahit anong pagsisising gawin ko, hindi ko na maibabalik ang nawala sa akin. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Tumanda at mamatay akong walang sariling pamilya. Ni hindi ko binigyan ng pagkakataon ang sarili ko na maging buo—na maging masaya. Ni hindi ko alam ang pakiramdam ng may asawa at mga anak. Kaya kung ako sa'yo, bigyan mo nang pagkakataon ang pagmamahalan n'yo."


"Pero hindi ko din po alam kung pareho kami ng nararamdaman eh. Hindi ko pa kasi narinig na sinabi niyang mahal niya ako kahit minsan," pahayag pa ni Jane.



"Kailangan bang marinig ang salitang 'yon kung pinapakita naman niya?' dagdag ni Mang Bert. Hindi nakasagot si Jane ngunit bakas sa mukha niya ang pagkalito. "Bakit hindi mo siya kausapin nang masinsinan? Tanungin mo siya, kung talagang importante para sa'yo na marinig ang mga salitang 'yon." Nanatiling tahimik si Jane at hindi kumikilos sa kanyang pagkakaupo. "O, ano pang hininhintay mo? Puntahan mo na ang kaibigan mo at tanungin mo na siya?" mungkahi ni Mang Bert.



Nanlaki ang mga mata ni Jane at gulat na gulat na kanyang narinig, "'TaaBerts, pa-ano n'yo po nalaman?" Hindi sumagot si Mang Bert at ngumuti lamang ito sa kanya. "Natatakot po ako. Natatakot po ako para sa amin. Alam kong hindi kami matatanggap nina Daddy."



"Kung mahal n'yo talaga ang isa't isa at mahalaga sa inyo kung anong mayroon kayo ngayon ay walang makakatibag sa pagmamahalan na 'yan. Kailangan lang dalawa kayong haharap at pareho kayong matapang. 'Wag kayong susuko," payo pa ni Mang Bert. "Sige na, pumasok ka na sa loob at baka hinihintay ka na niya."



"Salamat, 'Ta Berts."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon