Chapter 30

3.4K 130 9
                                    

Sabado ng umaga at maagang umalis sina Jane at Marsha papuntang Glorietta. Lalabas sila para i-celebrate ang pagpasa ni Jane sa Thesis. Pumasok ang dalawa sa isang mamahaling restaurant kung saan nagpa-reserve si Marsha.


Pagpasok nila ay may lumapit agad na waiter at sinamahan sila sa isang two-seater table sa kanilang non-smoking area. Maganda ang lugar at elegante. American-inspired ang tema ng desenyo nito. May mga old American paintings na nakasabit sa dingding at may mga antique na naka-display kagaya ng isang antique lamp at isang lumang phonebooth. Ang dingding ay yari sa old red bricks. Kumikinang naman sa itaas ang mga mamahalin at naglalakihang Chandeliers. Tunay na napakaganda. At lahat ng customers na nandoon ay mukhang mayaman at edukado. Pagkahatid sa kanila ng waiter sa table ay agad silang umupo at umorder na ng Tenderloin Steak, Salad and a bottle of Red Wine.



"I like this place! My first time here." bungad ni Jane.



"It's actually my second. Anniversary ng branch namin and dito kami kumain. Naisip ko dito kita dalhin since maganda nga 'yong ambiance and masarap 'yong food nila, especially their Steak and pasta."



"Thank you, Marsha," dagdag pa ni Jane.



Ngumiti si Marsha at pagkatapos ay may kinuha mula sa bag niya. Isang paperbag ang inilabas niya at ibinigay ito kay Jane, "For you," nakangiting sabi ni Marsha.



"What's this?"



"Open it!" Marsha exclaimed.



"You are full of surprises," dagdag pa ni Jane.



Dali-daling binuksan ni Jane ang paperbag at tinignan ang loob - isang set ng lace underwear. Isa itong black lace bra and t-back undies. Napaka-sexy nito. "Why you little naughty girl," nakakaloko ang mga ngiti ni Jane. "Thank you!"


"Sorry, I didn't know what to get for you. And when I saw that, I just knew I should get those for you. And you're welcome," nakangiting pahayag ni Marsha. "So....why don't you try it on?" pilyang mungkahi niya.



"Here? As in here? You're not serious, are you?"



"I am." Napakaganda ni Marsha nang sinabi ang mga salitang iyon. "Why don't you try it on-sa restroom," nangungusap ang mga mata niya.



"Ha ha, Okay." Mabilis na tumayo si Jane at dinala ang paperbag papuntang restroom. Walang tao sa restroon nang pumasok si Marsha. Maganda ito at malinis. Ang itsura nito ay namamareho sa mga Pay Lounge na makikita sa Makati. Pumasok siya sa dulong cubicle at dali-daling hinubad ang kanyang damit. Sinuot niya muna ang bra at pagkatapos ay ang panty. Perfect! Naisip niya tuloy, alam na alam na talaga ni Marsha ang size niya. At hindi niya napigilang mapangiti. Magsusuot na sana siya ng kanyang blouse nang may naramdaman siyang papalapit na yabag papunta sa cubicle niya,"Jane!" pigil na sigaw ng babae. It was Marsha. Binuksan ni Jane ang pinto ng cubicle at agad na pumasok si Marsha. "It looks perfect on you!" Marsha exclaimed.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon