Chapter 20

4.2K 152 16
                                    

Pasado alas-siyete na ng gabi nang makarating sina Jane at Marsha sa bayan ng Tagaytay City. Makapal ang fog at marami pa ring mga turista ng mga oras na iyon. Nagpunta muna sila sa pinakamalapit na Convenience Store para bumili ng kanilang pagkain at iba pang pangangailangan. Kumuha sila ng mga instant cup noodles, bread roll, mineral water, toothpaste at toothbrush, softdrinks in can at ilang beer in can. Pagkatapos ay naghanap na sila ng hotel. Ilang hotel na rin ang kanilang napuntahan pero ang lahat ay fully booked na. Weekend kasi at ito ang peak time of the week ng Tagaytay. Kaya minabuti na lamang nila na maghanap ng isang transcient room or bahay.



Ibinaba sila ng tricycle sa isang bahay na may tatlong palapag. Ang first floor nito ay gawa sa semento, samantalang ang second at third floor ay yari naman sa kahoy. Isang matandang babae ang bantay sa counter at agad silang pinag-register. Room 202 ang ibinigay kina Jane at Marsha. Second room sa second floor. Pagpasok ng kwarto ay may makikitang dalawang upuan at isang maliit na table. Sa kaliwang bahagi nito ay ang isang katamtamang laki na restroom at naka-glass cubicle ang hot & cold shower nito. Ang kama nito ay isang queen-sized bed na mayroong floral bedsheets at nakapatong sa ibabaw nito ay ang dalawang pirasong fresh towels. May maliit din na wooden antique cabinet at sa loob nito ay mayroong anim na pirasong hanger. Katabi naman ng cabinet ang isang whole body vanity mirror at isang lumang modelo na 14" T.V. At sa kanang bahagi naman ay makikita ang isang glass panel door papunta sa maliit nitong balkonahe.



Pagpasok sa kwarto ay ibinaba nila agad ang dalang gamit at mabilis silang humiga sa kama. Damang-dama nila ang lamig ng bedsheet at mga unan, "Ang sarap! Sana ganito kalamig sa Manila, 'no? Iba pa rin yung natural cool weather kaysa yung naka-aircon ka lang," pahayag ni Jane habang nililingkis ang isang unan.



Maya-maya pa ay parang naalimpungatan si Marsha at bigla itong bumangon sa pagkakahiga, "Wait, tatawag muna pala ako sa officer ko para makapag paalam na leave ako tomorrow. Tatawag na din ako kay Rex." Kinuha ni Marsha ang kanyang cellphone at lumabas sa balkonahe. At pagkatapos lang ng ilang minuto ay bumalik din ito agad sa loob ng kwarto, "Okay na," bungad ni Marsha.



"Anong sabi ng officer mo?Eh ni Club Dredd?"



"Okay na sa officer ko. Sabi ko kahapon pa ako nilalagnat (sabay knock on wood). Si Rex, 'di ko nakausap. As usual, cannot be reached na naman. Nag-page na lang ako sa kanya." Dumeretso si Marsha sa table at sinimulan nang ayusin ang kanilang mga gamit.



"Oh okay," hindi na nag urirat pa si Jane.



Tumayo na rin si Jane at sinundan si Marsha para tulungang mag ayos ng kanilang mga dala-dala. Isinalansan nila ang binili sa maliit na table. Pagkatapos ay tinignan nila ang Menu ng Transient House na nakalapag din sa ibabaw ng mesa. At katulad ng karamihang restaurants at hotels sa Tagaytay, ang specialty ng transcient house ay Bulalo. Kaya hindi naman nagdalawang isip ang dalawa at umorder sila para sa kanilang late dinner. At kahit sa Bulalo pa, si Marsha pa rin ang gumawa ng kanilang sawsawan. Sa isang platito, naglagay siya ng konting toyo, patis, kalamansi at isang siling labuyo. Dinurog niya ito at hinalo. Perfect! Parehong nag extra-rice ang dalawa. Pagkatapos nilang kumain ay dumeretso si Jane sa balcony at nagsindi ng yosi. Mabilis siyang sinundnan siya ni Marsha.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon