Chapter 9

4.6K 135 0
                                    

"Good morning, Mommy!" masayang bati ng isang batang babae habang tumatakbo palapit sa kanilang dining table. Nakabihis siya ng kanyang school uniform at cute na cute ang kanyang pig tails. Maganda at maputi din siya, mga bagay na minana niya sa kanyang Mommy. Her name is Nadine.



Malaki ang kanilang bahay. Modern Contemporary ang inspirasyon para dito. Mayroon itong dalawang palapag - tatlong kwarto sa itaas, isang guest room at may maid's quarters sa ibaba. Mayroon din isang kwarto na nakahiwalay para kina Manong driver at hardinero. Ang master's bedroom ay may Jacuzzi at isang malaking walk-in closet. At mayroon pa itong malaking balcony. Centralized ang aircon ng bahay, sa kadahilanan din na mahina ang resitensiya ni Nadine sa ubo't sipon, sinabayan pa ng kanyang asthma. All white ang tema nito, maliban sa kwarto ni Nadine. Makulay ito at puno ng mga dekorasyong Hello Kitty. Iyon kasi ang paborito ni Nadine, kaya halos lahat ng gamit niya ay Hello Kitty ang tema.



Sa labas ng bahay ay makikita ang isang napakagandang Koi pond. Malaki ito at mayroong tulay na kahoy sa ibabaw kung saan pwede mong pagmasdan at pakainin ang mga Koi. Maganda at malawak ang kanilang garden. Alagang-alaga kasi ito ng kanilang hardinero, na dalaga pa lang ang Mommy ni Nadine ay nagsisilbi na sa pamilya nila. Sa likod ng bahay ay ang isang maliit na swimming pool at sa tabi nito ay isang barbecue grill station at gazebo na gawa pa sa antique bricks ng Vigan.



"Good morning, Anak! Kain ka naYaya, paabot naman please ng juice ni NadineYou want pancakes anak? Kain ka ng marami ha...Let's put some syrup on your pancakes."



Maasikaso siyang nanay sa nag-iisang anak. Nadine is almost 7. Grade 1 siya sa isang private school. Ang asawa niya ay kasalakuyang naka-destino sa Canada bilang VP for Marketing ng isang multi-million Real Estate company. At araw-araw ay ginugugol niya ang oras at panahon sa kanyang anak at sa negosyo.



"Yaya, yung bimpo ni Nadine 'wag kalimutan dalhin ha...Sobrang init ngayon. 'Wag pabayaan matutuyuan ng pawis si Nadine at alam mo namang sipunin siya," mahigpit niyang bilin kay Yaya Pasing.



Inayos muli niya ang school uniform at bag ni Nadine, "Okay, I think everything is okay and you are now ready for school. Come here, give Mommy a kiss and a hug before you leave." Mabilis na lumapit si Nadine sa Mommy niya, hinalikan at niyakap niya ito nang mahigpit. "Be good at school and eat your baon, okay Anak? Tapos susunod kay Yaya Pasing palagi," dagdag niyang bilin sa anak.



"Yes Mommy, I will po. I love you po, Mommy".



"I love you too, Anak."

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon