Chapter 31

2.8K 108 4
                                    

Thursday at maagang nakauwi sina Jane at Marsha. Si Jane, first time magluluto ng dinner nila. Ita-try niya ang isang recipe na binigay ni Ambers, isa itong stir-fry chicken recipe. Nagsisimula na silang mag-prepare ng ingredients nang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan ang dalawa, "Are you expecting someone?" nagtatakang tanong ni Marsha, "Late na."



"Wala-sino kaya 'yan?" sagot ni Jane. Dali-daling naghugas ng kamay si Marsha at pinunasan ito gamit ang suot na apron. At pagkatapos ay dumeretso ito sa pinto para tignan kung sino ang bisita. Agad na binuksan ni Marsha ang pintuan, "Ay, kayo po pala. Good evening po" ang bati ni Marsha. Sumilip si Jane. Pero hindi makita ni Jane mula sa kinauupuan kung sino ang kausap ni Marsha. Natakpan niya kasi ito mula sa pagkakatayo sa pinto. "Come in po. Ja-ane, may bisita ka." Umurong si Marsha at bumungad kay Jane ang bisita niya-it's her Mommy. Dumeretso ito sa loob ng unit ni Jane ngunit nanatiling hindi nagsasalita.



"Mom!" Jane exclaimed Agad-agad na tumayo si Jane para salubungin ang kanyang Mommy. Hinalikan siya nito at niyakap nang mahipit "Im sorry, Mom. I'm so sorry." Jane was crying as she buried her face into her Mom's arms.



"Shhh, stop crying na. I'm here now. And I understand...I understand you now. We will talk this out.-Marsha, I have some take out food on that paperbag, paki ahin na lang please."



Dali-daling kinuha ni Marsha ang paper bag, "Yes po, Ma'am."



Kumain sila ng dinner ngunit bakas pa din ang tensyon. Ang Mommy ni Jane, halatang pilit na nagsisimula ng conversation. Kinamusta niya ang pag aaral ni Jane, ang Thesis nito pati na din ang detalye ng palapit na graduation ng anak. Si Marsha naman ay kinamusta din niya ang trabaho sa bangko. Nang matapos silang kumain ay nagserve ng brewed coffee si Marsha at pagkatapos ay nagpaalam muna na lilipat sa unit niya para mabigyan sila ng time at privacy na makapagusap.



"Anak, I wanted to apologize on how I acted that day. I acted on impulse and hindi na nakapagisip si Mommy. I should've let you explain. Instead of talking to your Dad, nakisawsaw pa ako. And I should've tried understanding you and I'm so sorry, Jane," pahayag ng Mommy niya.



"No Mom, ako nga ang dapat mag-sorry sa inyo ni Dad. I'm so sorry because I've failed you. I'm such a disappointment. And you have all the right na magalit sa akin. Pero Mommy, I just want you to know na despite of everything, I am so happy. Masaya ako sa kanya. I really love her."



Mas lumapit ang Mommy niya at inayos ang kanyang buhok, "I know. You would've not left with her that night if you don't really love Marsha that much. Nabigla lang kami ng Daddy mo."



"I know Mom and I really don't expect na maintindihan n'yo ako-na matanggap n'yo po ako. Pero Mommy I want you to know na hindi ko ginustong saktan kayo ni Daddy. Hindi ko naman po ginustong maging ganito ako," dagdag pa ni Jane.



"Alam ko, Anak. And when you left, nag isip akong mabuti and I tried understanding you. Hanggang sa natanggap ko din," mahina ang boses ng Mommy niya at nanginginig ito. "I even admired your honesty and courage for telling me and your Dad your true feelings. Bihira sa tao, lalo na for your age ang may tapang na i-admit sa sarili nila kung ano talaga sila-kung ano talaga ang gusto nila. And you know, a person needs to accept herself before others can learn to accept who they really are."



"Pero si Dad? How is he?" Jane exclaimed.



"In time, Jane. I know he will understand and accept everything in time. He's not been the same since that night. Tahimik na siya, bahagyang magkwento. Bihira na rin kaming magsabay sa pagkain. I think sinasadya niyang isubsob ang sarili sa trabaho. I tried talking to him once, pero hindi siya kumibo. But don't worry Anak, I will try to talk to him again."



"Thank you, Mommy," niyakap muli ni Jane ang kanyang Mommy.



"You're welcome, Anak. And always remember that we love you so much kahit ano ka pa o kahit na sino pang gusto mo.-So tell me more about you and Marsha-Jane, is this your first time-I mean, is this the first time you had a girl?" urirat ng kanyang Mommy.



"Yes Mom," mahinahong sagot ni Jane. "Never naman po ako na-attract sa ibang girls before. Ngayon lang, kay Marsha lang talaga."



Tumango ang Mommy niya tanda ng pagsang ayon kay Jane, "I guess she must be special. In fairness to Marsha, I like her. I liked her the moment you introduced her to me. She's very polite, soft-spoken, responsible-mukha naman siyang matinong babae. Besides, I'm sure she's a vey good influence on you. Because ang laki talaga ng pinagbago mo, you became more mature and responsible. Actually, kaya rin ako pumunta dito is because I wanted to know her better," nakangiting pahayag ng Mommy niya.



Halos mapa iyak sa tuwa si Jane. Dahil bukod sa bestfriend niyang si Ambers ay may isa pang taong mahalaga sa kanya ang nakaintindi at tumanggap sa kanyang pagkatao, "Thank you, Mommy! I love you sooo much."



"I love you more, Anak. Let's stop the drama na. Nakaka-stress 'yan at pareho tayong magmumukhang matanda." Sabay na tumawa ang mag ina. Pagkatapos ay tumayo na ang kanyang Mommy at pumunta malapit sa pinto, "So what are you waiting for?" Nakatingin sa kanya si Jane, "Let's go to Marsha's unit. I told you, I wanted to know the girl who's responsible for my daughter's change," nakangiting yaya sa kanya ng Mommy niya.




Lumipat sila sa unit ni Marsha. May gulat at halong hiya sa mata ni Marsha nang makita ang Mommy ni Jane. Umupo sila sa kanyang maliit sa dining table at nagsimula na ang kanyang Mommy na magtanong-tanong. Nagkwento rin siya tungkol kay Jane, lalo na kung paano siya noong bata. Hindi naman nagtagal at unti-unting nawala ang pagkailang ni Marsha. Hindi kasi mahirap magustuhan at mapalagayan ng loob ang Mommy ni Jane. Likas kasi itong masayahin at makwento. Kaya naman si Marsha, hindi rin nahirapan magkwento ng buhay niya at ng saloobin tungkol sa kanila ni Jane. Nawili ang tatlo sa pagkukwentuhan at hindi nila namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Magaalas-dose na ng hating gabi nang magpaalam ang kanyang Mommy na uuwi.



Parang nabunutan ng tinik ni Jane. Sobrang saya niya at nagkaayos na sila ng Mommy niya. "Si Daddy na lang. Sana isang araw matutunan niya din akong tanggapin," naisip ni Jane.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon