Chapter 7

4.8K 169 14
                                    

3 A.M.



Yes! Maagang nakauwi si Jane kumpara sa mga normal niyang uwi sa madaling araw na halos tirik na ang araw at may naglalako na ng taho sa kalsada. Masakit ang kanyang ulo dahil naparami ang nainom niyang Tequila. Amoy yosi na din siya at humulas na ang kanyang pressed powder at burado na rin ang dark brown matte lipstick. Papalapit na siya sa unit niya nang makita niya ang bagong lipat na babae. Nakaupo ito sa lapag at nakasandal sa pinto ng unit niya. May hawak siyang pager at isang itim na Motorolla cellphone. Napansin ni Jane na maya't maya niyang tinitignan ang kanyang pager, habang taas-baba niyang hinihila ang antenna ng kanyang cellphone. Mukhang inip na inip na ito sa kung sino man ang kanyang hinihintay. Dahan-dahan siyang dumaan sa harapan nito at bahagya siyang tumigil. Ngunit hindi pa din tumingin ang babae at nagpatuloy lang sa kanyang pinagkakaabalahan. Kaya't minabuti na lamang ni Jane na pumasok sa unit niya.



Pagpasok ni Jane ay dumeretso na siya sa kwarto. Binaba niya ang bag sa side table, hinubad ang DM's nang walang tanggalan ng sintas at pagkatapos ay humiga na sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang unan na "abaduduy" at niyakap ito nang mahigpit. Pumikit si Jane at muling naisip ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Lumipas pa ang mga minuto at lalong naging balisa si Jane, kaya nagpasya na lamang siya na lumabas ng kwarto. Dumertso siya sa kanyang dining table at nagsindi ng isang Sobraine na yosi, pink ang pinili niyang kulay. Humithit siya ng yosi. Naubos. Nagsindi muli, pink na naman ang kulay na pinili niya. Hinithit niya. Naubos na naman. Habang pinapatay sa ash tray ang pangalawang yosi, "Ayoko na, suko na ako." Tumayo siya, nagsuot muli ng DM's at dumeretso sa pinto. Hawak na sana niya ang door knob nang bigla siyang natigilan at naisipan niyang bumalik muli sa kanyang kwarto. Dali-dali siyang pumunta sa kanyang dresser. Nanalamin. Nilugay niya ang kanyang buhok st sinuklay ito. Nag-mouth spray at nagpabango ng IsseyMiyake for Women. Humarap siyang muli sa salamin habang pilit na nilalabanan ang nerbiyos na nararamdaman, "Tignan ko lang kung hindi mo pa din ako pansinin."



Nandoon pa rin ang babae paglabas ni Jane. Para siyang nagmistulang pigurin na angel na hindi inalis sa pagkaka-display. Kung paano kasi niya ito nakita bago pumasok ng kanyang unit, ay ganoon pa din nang siya ay lumabas. Nilapitan niya ito, "Umm...na-lock ka ba? Why don't you call the maintenance para magawan ng paraan mabuksan 'yang unit mo?" ang bungad ni Jane.



Hindi sumagot ang babae at tinignan lamang siya nito. Muling nagtanong si Jane, "Do you want to use my cellphone? Or gusto mo samahan kita sa maintenance? It's just a few floors away, I could take you there if you want," Jane paused while waiting for the girl's response, but there was still silence at her end. Still skeptical, Jane made a step forward, "By the way, my name is Jane."



Nagkaroon ng five minutes na dead air ang hallway ng Estacio. Kahit si Jane ay hindi na nakapagisip ng susunod na sasabihin. Kaya kinuha niya na lang ang yosi at lighter mula sa kanyang ripped jeans, "Oh well, kung ayaw mo talaga, eh 'di..." Naputol ang pagsasalita ni Jane nang biglang mataray na sumabat ang babae.



"—Nauna ka sa akin dito, right? 'Di mo ba alam na Smoking is Prohibited within the hallways?" paninita nang babae.



Sa wakas! Narining din ni Jane ang boses ng babae. Napa-second look siya dito at naramdaman niyang tumayo ang balahibo sa braso.



Maya-maya pa ay dahan-dahang tumayo ang babae. Inayos niya ang kanyang nagusot na pink v-neck t-shirt at inilugay niya ang kanyang mahabang itim na buhok. Pakiwari nga ni Jane ay nanonood siya ng isang shampoo commercial ng mga oras na iyon. Unti-unti siyang umalis sa pagkakatayo at lumapit kay Jane, "My name is Marsha," maikling pakilala ng babae.



At parang nalaglag ang panty ni Jane sa kilig.




Dead Air is an unintended interruption on a radio broadcast wherein no sound is transmitted. Kung minsan ang term ay ginagamit din for television broadcast. Dead Air is considered as the worst thing that can happen to a live telecast.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon