Chapter 37

2.5K 105 1
                                    

Maagang natapos ang meeting ni Jane mula sa mga bagong investors ng Salazar Land Corp., ang bagong Real Estate na pagmamayari ng kanyang Mommy at Tito Ramon. At sa pagtanggap niya ng position as Marketing Manager ay mabilis niyang natutunan ang kanyang trabaho. Marami na rin siyang nakuhang bagong investors at prospective buyers. May mga na-hire na din siyang ahente. Magdadalawang buwan pa lang siya sa posisyon pero mabilis niyang na-sold out ang Phase 1 and 2. Kaya naman abala siya sa paghahanda nang pagbubukas ng dalawa pang phase ng kanilang subdivision. May sarili na rin siyang kotse. Bukod sa incentive niya ito, ay kailangan din niya talaga ang kotse dahil kabi-kabila na ang meeting niya.



Pasado ala-sais ng gabi nang mag-park siya sa harapan ng bangko nina Marsha. Gusto niya kasi itong sorpresahin kaya naisip niyang sunduin ito sa trabaho. "Good Evening po Mam, close na po ang bangko. Balik na lang po sila bukas," bati ng security guard kay Jane.



"Ay hindi, I'm here for Marsha—Marsha Julia Santos please," sagot naman ni Jane habang palinga-linga siya sa loob ng bangko.  



"Ah...kay Mam Marsha po ba? Sandali lang po at tatawagin ko," agad na umalis ang guwardiya at iniwan ang post sa ka-relyebo niya. Samantalang si Jane ay naupo muna sa isang tabi.



Kumpleto pa ang staff ng bangko. Ang Manager nila ay abalang nakikipagusap sa isang client sa telepono. Ang mga teller naman nila ay abalang nagbabalense ng kani-kanilang kaha. Hindi naman nagtagal at lumabas si Marsha galing sa kanilang pantry, "Jaa—ne, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Marsha. Hindi nakasagot agad si Jane at lumapit ito kay Marsha at mabilis siyang binigyan ng smack sa lips.  



"I wanted to surprise you. I just closed a deal with some new investors for Salazar Land Corp. You know we are really growing fast. And probably next week, we will open our phase 3 and 4. 'Yong mga officemates mo kaya, bakit hindi mo sila alokin ng house and lot package? Pwede naman nilang ipasok sa bank loan or sa Pag-ibig. Pwede rin naman in-house financing, their choice," dere-deretsong kwento ni Jane.



Hindi sinagot ni Marsha ang mga tanong ni Jane. Umalis at pumasok siya uli sa pantry at kinuha ang kanyang bag. Si Jane naman ay naiwang nakatayo sa gitna ng bangko at nagtataka sa biglang ikinilos ni Marsha. Nagpaalam si Marsha sa kanyang boss at sa iba pang officemates at dali-dali itong naglakad papunta sa pintuan ng bangko. Sinundan siya ni Jane. Habang lumalabas sila ay ramdam ni Marsha ang mga nangungusap at nagmamatyag na tingin sa kanila na para bang hinihintay ang susunod na eksena sa isang pelikula.



Mabilis na naglakad si Marsha patungo sa kotse. "Marsh, what's wrong?" nag aalalang tanong ni Jane. Nanatiling tahimik si Marsha at hindi ito susamagot. Inulit ni Jane ang tanong, "Marsha, what's wrong? What did I do now?"



Malakas na isinara ni Marsha ang pinto at nanatili siya sa labas ng kotse, "Really Jane, you're asking me what's wrong?" sarkastikong sagot ni Marsha.



Lumapit sa kanya si Jane, puno ng tanong ang kanyang mga mata, "Ano ba kasi ang ginawa ko? Why don't you just tell me?"



"Well for one, you went there without even informing me. Second, you kissed me. At ang masaklap noon ay lahat ng tao sa bangko nakita ang ginawa mo. What were you thinking, Jane? Okay lang sana sa akin ang PDA, matatanggap ko pa. But doing it with you? And in public? My God, I just threw away my whole career. Hindi mo man lang ako inisip, hindi mo man naisip ang sasabihin nila sa atin? What?—do you want me to admit to them na tomboy or lesbian ako at pumapatol ako sa kapwa ko babae? 'Yan ba talaga Jane ang gusto mo?" galit na sabi ni Marsha.



"Marsha, I'm sorry. Inaamin ko I got so overwhelmed at hindi ako nakapagisip—Marsh, I'm really, really sorry," mas lalong lumapit si Jane pero pilit namang lumalayo at tinatabig ni Marsha ang kanyang kamay.



"Palibahasa mayaman ka, and you don't need a job. Puwes ako kailangan ko— kailangan ko para sa pamilya ko at para na rin sa sarili ko. You're so selfish, Jane! I wish I've never gotten in this relationship in the first place," dagdag pa ni Marsha.



Hindi na sumagot at nakipagtalo pa si Jane kay Marsha. Sumakay siya ng kanyang kotse at mabilis itong umalis ng parking lot. Si Marsha naman sumakay ng taxi at nagpahatid na sa Estacio.




Magaalas-dose na ng hating gabi at wala pa rin si Jane.


The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon