Chapter 32

2.6K 102 11
                                    

Kinabukasan ay nag-dinner ang dalawa sa labas. Na-promote si Marsha sa bangko. Junior Assistant Manager na siya kaya naman nagpasya ang dalawa na lumabas para mag-celebrate. "Sunod-sunod ang blessings sa atin lately. At first, nagkaayos na kami ni Mom. And then ito namang promotion mo. I'm really happy and thankful. Sana magtuloy-tuloy," nakangiting pahayag ni Jane.



"Oo nga. Hindi ko rin expected 'yong promotion kasi alam ko si Alma ang next in line for JAM. Mas matagal kasi siya sa akin sa branch na 'yon," sagot ni Marsha.



"Well, I guess my girl is better than her, right?" panunukso ni Jane. "Your boss saw something in you kaya naman ibinigay sa'yo 'yang promotion na 'yan. You deserve it."



"Binola mo pa ako." Tuloy ang pagkain at kwentuhan nila nang biglang may tumawag sa cellphone ni Marsha. Agad niyang kinuha ito para i-check-Blocked Call. Napakunot-noo si Marsha at tumayo siya sa kanilang table, "Wait lang ha...I'll just get this call, baka importante." Mabilis na nakaalis si Marsha at hindi na nagkaroon ng chance sumagot si Jane. Maraming tao sa restaurant ng mga oras na iyon kaya minabuting lumayo ni Marsha para sagutin ang tawag. Malayo si Marsha pero tanaw pa rin siya ni Jane mula sa pinagkakaupuan. Kunot-noo, balisa-hindi, parang may takot sa mukha ni Marsha. Iyan ang napansin ni Jane kay Marsha habang kausap niya ang tumawag sa cellphone. Nang bumalik ni Marsha ay pilit ang kanyang mga ngiti, "Sorry ha, natagalan ba ako?"



"Who was that?" tanong ni Jane.



Umiwas ng tingin si Marsha at balisa pa rin siya, "Ha?-wala 'yon. Officemate ko lang may tinatanong."



"Anong tinatanong niya? Tsaka bakit parang bigla kang nawala sa mood?" usisa pa ni Jane.



"Ha?? Ah, eh-tungkol lang sa reconciliation ng isang transaction yesterday. Pero okay na. Naayos na namin. Bad trip lang kasi-alam mo na, after office hours na eh tumatawag pa. Nasisira tuloy ang date natin."



Hindi na sumagot si Jane pero alam niyang hindi rin nagsasabi ng totoo si Marsha. Alam niyang may bumabagabag dito, "Ano kaya 'yon? At bakit hindi niya masabi sa akin?" naisip ni Jane.



Lumipas ang mga oras at balisa pa rin si Marsha. Ilang beses sinubukan ni Jane na tanungin ito kung anong problema, pero iyon pa rin ang kanyang sinasagot. Kaya naman matapos ang kanilang dinner ay minabuti na nilang umuwi kaagad.




Samantala, nang dumating sila ng Estacio ay nauna nang umakyat si Marsha. At si Jane naman ay dumeretso muna sa JJ Convenience Store na katabi ng Tapsilog Haus. Magaalas-onse na ng gabi noon at tahimik na ang hallway ng 8th floor. Paliko na sana si Marsha sa corner nang may mapansin siyang anino sa may fire exit. Sinipat niya ang anino at napansing pamilyar ito. Madilim ang parteng iyon papuntang Fire Exit kaya dahan-dahan siyang lumapit para makita nang husto kung sino ang nagma-may ari ng aninong iyon. Isa itong lalaki, ito ang na-confirm ni Marsha nang pag aralan niya ng mabuti ang nakatayong anino. Hindi maganda ang kanyang kutob kaya bababa na sana siya nang dahan-dahang gumalaw at lumabas mula sa corner ang anino. Napatigil si Marsha at nagulat sa nakita. Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa hallway, "Ang bilis mo namang makalimot."



Si Rex.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon