Chapter 19

3.2K 119 9
                                    

"Back!-Sorry, medyo natagalan. I'm switching to A1's beef. Tama nga sila, much cheaper pero same quality. Actually, I think much better pa nga-Lunch na tayo?" ang yaya ng kaibigan kay Leigh.



Niligpit ni Leigh ang desk para maibaba ng friend niya ang dalang dalawang order ng Tapsilog at mga condiments. Binuksan niya ang styro at inabutan ang kaibigan ng plastic fork and spoon. Kinuha niya ang dalawang sauce plate, at nilagyan ito ng suka, ketchup at hotsauce at hinalo nang mabuti. Pagkatapos, ay tinikman niya ang tinimpla mula sa panghalo na kutsarang ginamit. Kinuha niya ang Magic Savor at nilagyan ang kanilang mga sunny side up eggs. Nakangiting pinagmamasdan siya ni Leigh.



"What?" nagtatakang tanong ng kaibigan, "Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?"



"Wala, natutuwa lang ako sa'yo. Kahit sino kasing makakita sayo eh, gaganahang kumain ng Tapsilog. And naisip ko lang, all these years iniisip nila ang recipe niyang sawsawan mong 'yan. 'Di nila alam banana ketchup, suka at hotsauce lang siya-Ikaw pa rin ba ang nagtitimpla lahat ng binebenta n'yo sa labas?" usisa ni Leigh habang sumusubo ng Tapsilog.



"Yes, of course. Ayokong ipagkatiwala sa iba yan. Mahirap na. Ang recipe ng mga Tapa at Tocino galing pa 'yan sa dating owner na Chinoy. So 'di ko na binago. Kumbaga, institusyon na kasi sa panlasa ng mga suki 'yan. So yung sawsawan na lang ang dinagdag ko talaga," kuwento pa ng kaibigan niya.



"Tuloy mo na yung kwento mo-So tell me...What happened in Tagaytay?" curious na tanong ni Leigh.



Parang walang narinig na tanong ang kaibigan nito. Sa halip ay napako ang tingin niya sa kanyang desk. Binitawan niya ang kanyang fork and spoon at unti-unting kinuha ang nakitang maliit na bagay na nakalapag sa kanyang mesa. Ang Tamagotchi. Inilagay niya ito sa kanyang palad at pinag-aralan, "That was one of the happiest days of my life," her friend whispered.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon