Chapter 41

2.3K 106 4
                                    

Nagmamadaling umuwi sa Estacio si Jane ng araw na iyon. Buong araw niya kasing hindi ma-contact si Marsha. Naka-off ang cellphone niya. Naka-ilang page na rin siya pero hindi man lang ito nag-page back or return call. Tumawag din siya sa bangko, at ang sabi ng isang Teller doon ay absent daw si Marsha. Tumawag daw si Marsha noong umaga at sinabing hindi makakapasok dahil may sakit daw ito.


Pumasok si Jane sa unit niya at naupo muna sa dining table para makapagisip, "Saan kaya nagpunta 'yon? May sakit...okay naman siya kagabi and kaninang umaga. Besides, naka-uniform na siya kaninang umaga, so wala akong maisip na reason para hindi siya pumasok sa work." Lalong nag-alala si Jane. Maya-maya pa ay naputol ang kanyang pag iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Napabalikwas siya at mabilis na sinagot ang tawag:


JANE: Hello, Marsha?


AMBERS: Anong Marsha ka dyan! Si Ambers 'to.


JANE: (Humina ang boses niya) O, Ambers ikaw pala...what's up?


AMBERS: Sasabihin ko lang sana na naiwan mo sa akin 'yong Tamagochi mo. Eh, baka maloka ka dyan kahahanap at alam ko namang importante 'yon sa'yo kaya ininform lang din kita. Teka-bakit ganyan ang boses mo? May problema ba?


JANE: Wala kasi dito si Marsha eh. Whole day akong tumatawag at nagpe-page sa kanya, hindi siya nagre-reply.


AMBERS: Baka naman busy lang, girl.


JANE: Tumawag nga ako sa bank, ang sabi naka sick leave daw. I'm just worried, Ambers. Never naman niyang ginawa 'tong ganito.

AMBERS: I see. Well try to call her again. Mako-contact mo din 'yan. And sabi mo nga hindi niya pa ginawa 'yan sa'yo ever, so most likely may valid reason siya for doing so. For the meantime, just keep on calling and paging her. Gusto mo ba puntahan kita dyan? Para may kasama ka...


JANE: No,I'm fine. I'll just do what you said, I'll keep calling her.


AMBERS: Sige, ingat ka dyan. Tawag ka na lang dito pag may problema, okay?


JANE: Okay, Thanks Ambers. Bye.

Magaalas-dos na ng madaling araw and still no sign from Marsha. Kaya naman si Jane ay lubos na ang pag-aalala. Hindi na niya alam kung sino ang tatawagan o kung magre-report na ba siya sa mga pulis. Hanggang sa maisip niyang hanapin ang spare key ng unit ni Marsha. Nang makita niya ang susi, dali-dali niyang binuksan ang unit. Malinis ang loob nito at maayos. Actually, hindi ka aabutin ng fifty steps para matapos mong libutin ang loob ng unit ni Marsha. Patuloy na palinga-linga si Jane hanggang sa mapansin niyang parang may kulang, "Ang mga picture frames-nawawala ang mga family picture frames ni Marsha. 'Yong mga nakapatong sa table na 'to. Where the hell are they?" mabilis na naisip ni Jane. Napaupo si Jane sa sofa bed, "Sana mali ang kutob ko." Tumayo si Jane, pumunta siya sa harapan ng closet cabinet at mabilis na binuksan ito-walang laman. Wala na ang mga damit at gamit ni Marsha.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon