Chapter 49

2.3K 110 6
                                    

"Nakakalungkot naman...'yan pala ang story niyang Tamagotching 'yan. At first, I thought laruan siya ni Nadine at naiwan lang dito sa office mo," pahayag ni Leigh. "And all these years, you still have it with you. It only means that—you still care for her? Tell me I'm wrong. I'm wrong, right Jane?



Binitawan ni Jane ang Tamagotchi at muli itong ipinasok sa kanyang bag. Then Jane smiled at her friend, "I'll be lying if I tell you that. All these years, Leigh...All these years, I just wanted to know where she is—if she's okay. Okay na ba ang Daddy niya? Okay na ba sila ng pamilya niya? Manager na ba siya ng bangko? May asawa na din ba siya? Ilan na ang anak niya? Ang dami kong tanong na gusto kong masagot." 



Lumapit sa kanya si Leigh at tinignan siya nito deretso sa mata, "Jane, you told me your story and honestly, I don't think those were the only questions that's been bothering you all these years. I think the real question is—did she ever love you?" At nang marinig ang sinabi ng kaibigan, hindi napigilan ni Jane ang maiyak. "Jane, kailangan mo nang tapusin ito. You need to make a closure somewhere. Otherwise, hindi ka truly makaka-move on. And it would be very unfair kay Eric and kay Nadine," hinawakan ni Leigh ang kamay ng kaibigan, "You need to free yourself, Jane." 



Mabilis na pinunasan ni Jane ang luha sa kanyang mga mata at inayos ang kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin kay Leigh kasabay nang pag-iwas niya sa topic, "Malapit na daw sina Nadine. Nagtext si 'Ta Berts. Mga 4:30 P.M. daw nandito na rin sila. Mga 7 P.M. daw kasi ang dating ng eroplano ni Eric. So dapat before 7 P.M. nasa arrival area na kami." 



Hindi pinansin ni Leigh ang mga sinabi ng kaibigan, "Jane, alam ba ni Eric 'to?" 



Marahang tumango si Jane, "Yes. He knows everything. Bago pa lang kami ikasal, sinabi ko na lahat-lahat. I told him everything about Marsha. The time he joined SLC, it was probably the worst days of my life. At si Eric ang umalalay sa akin. Sinamahan niya akong maghanap kay Marsha. Ilang beses ko ding sinubukan siyang hanapin. Nagtanong-tanong ako uli sa mga dati niyang officemates. Bumalik din ako sa Lucena, kaso sabi ng kapitbahay nila lumipat na daw sina Marsha ng bahay at walang nakakaalam kung saan. I felt so helpless that time. At nang umalis si Ambers papuntang States, si Eric lang ang laging nandyan para sa akin, siya ang lagi kong natatakbuhan. He helped me stood up and picked up the pieces. Sobrang bait niya, maasikaso, sweet and too giving. He was really perfect. And anyone would easily like and fall for him. At nang dumating sa buhay ko si Nadine, I felt so happy. Akala ko tuluyan ko na siyang nakalimutan. Pero hindi din pala. Alam kong mali pero I can't help it. Alam kong sobra-sobra na ang ibinibigay ni Eric para sa akin, tapos nandyan pa si Nadine. But it still feels like a part of me is missing. Parang laging may kulang," paliwanag pa ni Jane.



Hindi na nakasagot si Leigh nang may biglang pumasok sa office ni Jane, "Mooommy!" masayang bati ni Nadine kasama ang kanyang Lolo 'Ta Berts. Dumeretso ito sa kandungan ng kanyang Mommy at pinupog siya ng halik.



"Hello Baby!—O, give your Ninang Leigh a kiss." Mabilis na sumunod si Nadine at pinuntahan ang kanyang Ninang Leigh, nag-mano siya dito at pagkatapos ay hinalikan niya ito.



"'Ta Berts, hintayin n'yo na lang po ako sa labas. Aayusin ko lang 'yong gamit ko, lalabas na din po ako agad—Baby, go with your Lolo 'Ta Berts. Just wait for Mommy outside, okay?" Mabilis na lumabas si 'Ta Berts kasama ni Nadine. Si Jane naman ay nagsimula nang magayos-ayos ng sarili. Naglagay siya ng pressed powder at ng kanyang paboritong brown matte lipstick at nag-spray ng pabango.  



"Naku, lalong mai-inlove sa'yo niyan si Eric," nakangiting panunukso ni Leigh. Pilit ang ngiti ni Jane habang nagpatuloy sa pagsusuklay ng kanyang buhok, "Jane, pakawalan mo na ang sarili mo, pakawalan mo na si Marsha. You have a wonderful family now. And you have everything. Don't wait for the day na lahat ay mawala pa sa'yo. And tandaan mo Jane, lahat ng tao nagbabago, lahat ng tao nagsasawa. Baka one day, magising ka na lang na wala na sila sa tabi mo." 



Napatigil sa pagsusuklay si Jane at umiwas na lamang sa sinabi ng kaibigan, "Tara, let's go! Baka traffic at ma-late pa kami papuntang airport."




On their way to the airport ay ibinaba nila si Leigh sa bahay ng in-laws nito. At sa kanyang biyahe papuntang airport ay paulit-ulit na naiisip niya mga sinabi ng kaibigan at mga pinagusapan nila, "Tama si Leigh. I am being so unfair. —Unfair kay Nadine, lalo na kay Eric who have showed me nothing less than unconditional love." Nadine's head is resting on her lap. Nakatulog agad siya sa biyahe. She held her face and caressed it. Then Jane slowly closed her eyes, "I think it's time." 


The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon