Chapter 11

4.1K 140 2
                                    

 Nakita ni Jane si Marsha sa labas ng unit niya. May kausap siya sa kanyang cellphone. Malakas ang tugtog ng kantang "Can This Be Love?" ng Smokey Mountain sa hallway ng Estacio. "Parang nanadya ang tadhana," naisip tuloy ni Jane. Tumigil siya at hinintay niyang matapos ang phone call ni Marsha.



 Makalipas ng ilang minuto ay natapos na si Marsha sa kanyang phone call at tumunog naman ang kanyang pager. Kinuha niya ito mula sa bulsa ng kanyang maong na shorts, nakakunot noo na binasa niya ito.



 Lumapit si Jane kay Marsha, "Wala na naman si Club Dredd?" panunukso nito.



 Pilit ang ngiti ni Marsha, "Rex ang name niya—Pero oo, 'di ko na naman siya ma-contact. Cannot be reached ang cellphone niya. Tapos nag-page na din ako. Ni return call, wala!" Tinignan niya muli ang kanyang pager at wala pa ding sign galing sa kanyang boyfriend. "Tara, kain na lang tayo? Kanina pa kinakain ng large intestine ko ang small intestine ko eh. My treat," yaya ni Marsha.



 Ngumiti si Jane kasabay nang lalong paglakas ng kantang Can This Be love sa background, "Sure" maikling sagot ni Jane.




Pumunta ang dalawa sa Tapsilog Haus, at kahit alanganing oras ay halos mapuno ito ng  mga customers. Pinili nilang umupo malapit sa counter. Pagkaupo nila ay agad-agad na lumapit ang waitress, "Dalawang Tapsilog please—So bakit laging gano'ng oras ang dalaw sa'yo ni Club Dredd?" tanong ni Jane.



  Kinuha ni Marsha ang mga condiments, "Rex," at pagkatapos ay kinuha naman niya ang sauce plate ni Jane, "Igagawa na din kita," dagdag pa ni Marsha.



 "Okay—Rex," sarkastikong sagot ni Jane.



 Nagsimula nang gumawa ng sauce si Marsha para sa kanilang dalawa ni Jane, "Kasi 'yon talaga ang sched namin. After ng gig or practice nila, dadaan siya sa akin. Baligtad kasi yung sched naming dalawa eh. May work ako sa umaga, siya naman tulog pa by that time. So eto na talaga yung best time namin. Along the way din naman ako kaso minsan nga lang napapasabit pa siya kung saan-saan. Kaya minsan namumuti ang mga mata ko kahihintay—Eh ikaw naman, bakit ba lagi kang gising ng ganitong oras?"



 "Gimik. Halos everyday kaming lumalabas para mag-bar hopping ng mga friends ko. Alam mo na...Pero 'yon nga, most of the times sa Makati kami. Wait—gumigimik ka din ba? Kasi parang hindi pa kita nakitang lumabas. Lagi ka lang nasa labas ng unit mo, hawak ang cellphone or pager...naghihintay," sagot ni Jane.



 "Hindi ako mahilig gumimik. Waste of time and money lang 'yan. At saka bawal," paliwanag naman ni Marsha.



 "Ang KJ mo naman! Tapos ang strict pa ng parents mo!"



 Lumapit ang waitress dala ang kanilang order. Sinalin ni Marsha ang Mango juice na order ni Jane sa isang baso at nilagyan niya ito ng straw. Pagkatapos ay inabot niya ito kay Jane kasama na din ang ginawang Tapa sauce. Pinunasan niya muna ng tissue ang fork and spoon bago ito inabot kay Jane. Pinagmamasdan siya ni Jane at bahagyang napangiti, "Maasikaso pala siya and she seems so sweet," naisip ni Jane.



  "Hindi parents ko ang strict—si Rex," pagpapatuloy pa ni Marsha.



  "May instant daddy ka pala dyan sa boyfriend mo eh," panunukso pa ni Jane.



 "Ayoko lang ng gulo."



  "Bakit 'di ka sumama sa amin? Let's go out and have some fun sometimes. Okay ang mga friends ko, I'm sure you'll like them. At 'di ka naman mamatay kung isang beses eh lumabas ka, 'di ba?—Manang, extra rice pa please. Ikaw?" tanong pa ni Jane.  



 "Sige," maikling sagot ni Marsha.



  "Ano, half rice or whole?'



 "Ha ha, what I meant was sige, sasama ako sa'yo sa gimik," nakangiting sabi ni Marsha.



 At nagkatawanan sina Jane at Marsha. Masayang nagkwentuhan ang dalawa habang kumakain. At sa mga oras na iyon ay maraming nalaman si Jane tungkol kay Marsha kagaya ng paborito niya palang pagkain ay Adobo. Pero ang gusto niya sa Adobo ay piniprito sa maraming bawang at nilalagyan ng Siling Labuyo. Pareho din pala sila ng paboritong kulay - Pink. Na mahilig pala si Marsha sa mga mellow or old love songs. Iyong mga maliliit na bagay na lalong nakakuha ng kanyang interes para sa dalaga.



 Nang matapos silang kumain ay bumalik na sila sa Estacio, "Uy, thank you sa treat ha...Next time ako naman. Sabihan na lang kita kung saan at kung kailan ang next gimik ng mga friends ko." Binuksan ni Jane ang kanyang bag at kumuha ng ballpen, "Wait, I'll get your pager or cellphone number pala," sambit ni Jane.



 Ibinigay ni Marsha pareho ang cellphone at pager number niya. Isinulat ito ni Jane sa kanyang palad, "Okay, I got it! Sige good night na. Pahinga ka na din at pareho pa tayong may pasok tomorrow."

 


 "Okay, good night," nakangiting sabi ni Marsha.




Smokey Mountain, ay isang singing group ng kabataan na binuo ng sikat na composer na si Ryan Cayabyab. Sumikat sila noong huling bahagi ng 1980s hanggang sa dekada 90. Naging "trademark" nila pagsusuot ng mga sira-sirang damit na nagpapahiwatig ng hirap ng buhay ng mga "scavengers" o mga basurero na nakatira sa isang Manila garbage dump side, na kung tawagin ay Smokey Mountain. Kabilang sa grupo ay sina Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, James Coronel at Tony Lambino. 

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon