Chapter 16

3.5K 127 13
                                    

Nagising si Marsha mula sa katok ng pinto. Pupungas-pungas pa ito at nakaramdam ng sakit ng ulo mula nang minulat niya ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa alarm clock, "10:45 A.M na pala.." Mabagal siyang tumayo at naglakad papunta sa pinto, "Sino yan?" inaantok na tanong ni Marsha.



"Ako," sagot ng babae sa pinto.



Medyo nagising ang diwa ni Marsha nang marinig ang boses ni Jane. Nag-ayos ng buhok at nagtanggal siya ng muta bago niya tuluyang binuksan ang pinto. Pagbukas niya ay dumeretso na naman sa loob si Jane at umupo sa sofa bed. May dala siyang isang box ng donuts.



 "Good morning! Breakfast?" sabay inabot ni Jane ang dalang donuts kay Marsha, "So how are you? Okay ka na?"



Hinawakan ni Marsha ang kanyang ulo, "Ang aga mo—Grabe, sobrang sakit ng ulo ko!" Dumeretso sa kanyang maliit ng kitchen si Marsha at ipinatong ang donuts sa dining table. Pagkatapos ay naglagay siya ng tubig sa kanyang whistling kettle, "Coffee?" alok ni Marsha.



"Yeah, sure. Coffee and donuts sounds good—So what are your plans today? Si Club Dredd hindi ba dadalaw?"  



"Actually, nasa Baguio si Rex for two weeks. May gig sila sa Ayuyang tapos mag-stay pa sila for another week para mag-relax kasama ang bandmates niya."



"So susunod ka sa Baguio?" tanong ni Jane habang namimili ng donut na kakainin.



"Hindi eh...hindi pwede. Hindi ako papayagan mag-leave for two weeks."



Nakapili na si Jane ng donut at inilagay ito sa kanyang platito, "Okay sabi mo eh.—Ay wait, kaya pala ako 'andito I need to ask a favor." Pagkatapos ay may kinuha si Jane mula sa kanyang punit-punit na "pekers" denim shorts.



Hindi naman naiwasang mapansin ni Marsha ang long-legged at maputing legs ni Jane. "Tamagotchi?" bulalas ni Marsha.



Hinila ni Jane ang kanyang upuan papalapit kay Marsha, "Can you take care of her, please? I'll be busy this week sa review for my oral defense. Ayan o, Malaki na siya. Kaso sometimes napapabayaan ko pag sobrang busy, kaya namamatay siya. And I really feel bad about it. Pretty please?? I know you'll be a great Mom," nagmamakaawang pakiusap ni Jane in a "Puss in Boots" face.



 "Okay, fine!" Naisip ni Marsha, "How can I refuse this girl, right?"



"Yehey!" Tuwang-tuwa si Jane. Inurong muli ni Jane ang kanyang upuan papalapit kay Marsha para ituro ang Tamagotchi sa kanya. At habang nagtuturuan ang dalawa ay hindi maiwasang magtama ang kanilang mga braso at kamay—At ayan na naman si "spark."



Hindi sigurado si Marsha ng mga oras na iyon pero nagkatinginan sila nang biglang tumugtog ang "I'll make love to you" by Boyz II Men sa radyo. "Bakit ako affected? Why do I feel this way? I hate myself but I love the feeling," gulong-gulo si Marsha. At sa mga oras din na iyon para silang na-magnet na dalawa., ang mga mata ay nakapako pa rin sa isa't-isa. Palapit pa nang palapit hanggang sa...



Tumunog ang whistling kettle.



Bigla silang natauhan at dali-daling tumayo si Marsha para patayin ang kalan. Walang nagsalita sa kanilang dalawa at deretsong nagtimpla na lamang ng coffee si Marsha. Inabot niya kay Jane ang isa at saka inurong niya ang kanyang upuan papalayo kay Jane bago siya muling umupo. Naka-dalawang higop na ng kape si Marsha pero wala pa rin gustong bumasag ng katahimikan.



 "Glorietta tayo?" bulalas ni Jane. "Finally!" ang sabi ni Jane sa sarili.



"Okay, what time?" mabilis na sagot naman sa kanya ni Marsha.


The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon