Chapter 55

2.7K 105 4
                                    

Maagang nakarating ng airport sina Jane, Eric at Nadine. Ngayon kasi ang alis ng pamilya niya para sa isang maikling bakasyon sa Canada. "Baby, be a good girl ha...Susunod lagi sa mga sinasabi at binibilin ni Daddy," niyakap ni Jane nang mahigpit ang anak, "I will miss you. Sorry talaga Anak at hindi makakasama si Mommy. May kailangan lang asikasuhin si Mommy ha...Pero promise ko, I will try my very best na makasunod agad sa inyo. I love you so much, Anak."



"I love you too, Mommy. And yes po, I will be a good girl," hinalikan ni Nadine ang kanyang Mommy at niyakap din ito nang mahigpit.



"Hon, thank you talaga. I promise, I'll try my best na makasunod agad. And sobrang thank you, for understanding and for always trusting me," niyakap ni Jane ang asawa.



"Anything for you, Hon. I hope she gets better. You should really convince her to continue her treatment, it will help her a lot."



"Yes, I'll talk to her later."



"Paano, we need to go in. I'll call you when we get there. Ingat ka palagi."



Humalik muli si Jane sa kanyang anak at pagkatapos kay Eric. Papasok na sana sina Eric sa loob para magcheck-in nang bigla siyang tinawag muli ni Jane, "Hon!-Eric!"



Agad na bumalik ni Eric, "Yes, Hon? Did I forget anything?"



"I forgot to say, I love you-I love you so much, Eric. And if I would be given another chance to choose someone to spend my life with, I'd still choose you and Nadine. Mahal na mahal ko kayo ni Nadine," at hindi napiligang maiyak ni Jane.



"I love you too, Jane. And thank you for telling me this. Sometimes, people still need to hear these things. Iba pa rin 'yong naririnig mo ito coming from the person you love most," nakangiting pahayag ni Eric.



Lumapit si Nadine sa kanila at hinila ang blouse ng kanyang Mommy, "Mommy, Mommy, what's wrong? Why are you crying?" nag-aalalang tanong ni Nadine.



"No Baby, Mommy's not crying. I think something got into my eyes. Tsaka binibilinan ko lang si Daddy mo," mabilis na pinunasan ni Jane ang luha sa kanyang mga mata. "Sige na, you two should really go at baka ma-late kayo. Ingat kayo ha...I love you!" Muling humalik si Jane kay Eric at Nadine. Tumayo si Jane sa may gate ng Departure Area at tinanaw niya ang kanyang mag-ama hanggang sa maglaho ito sa gitna ng makapal na tao.




Pagkagaling sa airport ay dumeretso na si Jane sa Tagaytay. Maaliwalas ang langit at mataas ang sikat ng araw nang dumating si Jane sa tapat ng bahay ni Marsha. Bahagyang dumampi sa pisngi ni Jane ang malamig na hangin nang bumaba siya sa kanyang kotse. Sinalubong siya ni Yaya Minyang sa gate, "Good morning, Yaya!" nakangiting bati ni Jane.

The Girl at 829 (girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon