01: The Dance Genius

189 18 11
                                    

"Good Morning, ate Celeste!"

"Good Morning," I greeted back.

Hindi pa kaya nags-start ang klase ng first session? Parang kanina ko pa sila nakikitang pakalat-kalat dito sa grounds.

Umupo muna 'ko sa may damuhan, sa ilalim ng malaking puno ng Narra na nakatapat sa malaking statue ni Apollo, the known greek god of music and arts.

I stared at the statue in awe. At the bottom of the statue is a pedestal where the school's name is carved.

Apollo's Chamber Academy

Nakuha nang dalawang civilian ang atensyon ko, tumayo silang dalawa malapit sa statue habang malawak ang ngiti, nakatingin sa cellphone na hawak ng isang babae na tingin ko ay mama nila.

Mags-start pa lang ang second sem pero nag-bukas na agad ang ACA ng enrollment para sa next school year. Mabilis nalang kasing mapuno ang slots, minsan ay dalawang oras lang puno na agad.

I can say na swerte lang talaga ako noong humabol ako sa enrollment kahit inabutan ako ng cut off. At least they were able to see a potential in me, natanggap ako.

"May I have your attention please, students? This is Miss Prieto speaking, I am here to call the attention of Miss Lim from fourth-year class A. Again, I am calling the attention of Miss Lim from fourth-year, class A. Please come to my office immediately."

Agad akong napatayo nang marinig ko 'yung announcement galing sa speaker, inayos ko muna ang uniform ko bago naglakad paalis.

Nang bigla akong lapitan nung dalawang teenagers na nakita ko kanina sa may statue. Ang ganda ng mata nila, nakatingin lang sila sa 'kin na malawak ang ngiti.

"Yes?"

"Uh, miss baka alam mo kung saan ang registrar? Magbabayad sana 'ko ng entrance exam and audition fee nila," the woman in a nice silk dress asked.

"Oh, sakto po. Madadaanan ko po 'yun papunta sa pupuntahan ko, sunod nalang po kayo sa 'kin."

"Oh, thank you so much. Let's go, twins."

Napatingin ako ulit sa dalawang teenagers, hindi ko namalayang kambal sila kanina. Magkaiba kasi sila ng style sa pananamit, isang neutral at isang colorful.

"Actually, sa una parang malaki po talaga 'tong academy. Pero kapag tumagal na po, masasanay rin sila lalo na kapag dito sila nag-dorm. Ilang taon na ba kayo?"

"Uhm... we're both fifteen."

"Oh, three years lang pala ang agwat natin. I'm Celeste by the way, eighteen years old. Masaya rito sa academy, marami kayong mai-improve na skills. Although mahirap sa una, it takes a lot of sacrifices... but I know kaya niyo 'yan, para sa pangarap niyo. Its actually unfortunate since I'm on my last year na," I smiled at them before I stopped in front of a hall.

"Diretso lang po kayo ro'n sa may mahabang pila."

"Ah, salamat. Good luck sa 'yo," ngiti ng babae sa 'kin.

"Good luck to you, girls."

It took only a few minutes before I got to Miss Prieto's office, our school's head admin.

I knock twice before entering.

"Good afternoon, Miss Prieto."

"Celeste, have a seat 'nak."

"Actually, pinatawag kita rito dahil sa mga festivals na magaganap this second sem. Bilang isa sa top students ng fourth year, isa ka sa maraming pupuntahang interschool festivals."

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon