20: Sick

27 8 6
                                    

Sa wakas at malapit nang matapos sa page-edit si Jason at ang ilan pang katulong niya. Unfortunately, ngayon na ang last day namin dito sa El Nido.

Nag-enjoy naman kami kahit papaano dahil nakapag-swimming pa nga kami. Although hindi ako mahilig mag-swimming, na-enjoy ko rin naman ang swimming namin kagabi. Pero mukhang hindi magandang idea 'yon dahil nilalagnat ako ngayon.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nagka-sakit, eh halos wala naman kaming ginawa kahapon kundi maki-isa na rin sa page-edit kung kinakailangan.

Bukod doon...

"Dali na, halika na! Magv-volleyball lang tayo tapos kahit sa gabi na tayo mag-swimming," pangungulit sa akin ni Alison.

"Oh sige na, sige na. Wala naman akong magagawa eh, sayang naman ang effort mo."

"Tsaka sayang ang view, ang natitirang opportunity natin to enjoy, at ang swimsuit mo!" Pinaikot-ikot pa niya ako, ine-enjoy ang suot ko.

Oo, kanina niya pa ako kinukulit at nagawa niya akong pag-suotin ng swimsuit para wala na akong takas.

Simpleng black one-piece lang ang suot ko, kumuha rina ko ng shades at ng white scarf pang-patong sa akin. Naka-slippers nalang kami pababa ng hotel kung saan naghihintay na pala ang karamihan.

"Ooooh," reaksyon nila nang makita kami ni Alison.

Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Kuya Lau.

"Kung ako sa 'yo lalayo muna ako sa ibang boys ngayon maliban sa mga ka-close mo," bulong niya sa 'kin, may naka-silay na ngiti sa labi.

"Bakit nanaman, Kuya?"

"Wala naman," pero halata sa ngiti niyang may something pero hindi niya sinasabi sa akin. "Mahirap na, based sa reaction ng ibang boys na kasama niyo, hanga sila sa 'yo."

"Kuya, they're my juniors. Wala silang magagawa sa 'kin, okay?"

Protective talaga si Kuya pagdating sa akin, para na rin kasi niya talaga akong kapatid.

"Teka nga, bakit kasama ka nanaman namin?" Takang tanong ko dahil sa pagkakatanda ko, hindi naman siya kasama sa team namin.

"Last day ko ngayon, manunuod lang ako sa inyo mag-enjoy. Tsaka mags-send na rin ako ng photos kina Mama dahil miss na miss na raw kayong dalawa, masama ba Celestine?"

"Wala naman akong sinabi, nagtatanong lang. Ito si Kuya ang sungit parang si Lucas," pagbibiro ko pa na tinawanan lang niya.

Nagsimula nang mag-enjoy ang lahat, sinusulit ang araw dahil napag-usapan naming wala munang magt-trabaho ngayong araw.

Kasalukuyang naglalaro sila Alison ng volleyball. Magka-laban ang team ni Brian at Ali.

"Go, Ali!!" Sigaw ko nang siya na ang mags-serve.

Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang laro nila, maging si Kuya Lau na nagp-picture ng scenery.

"Nice one, Ali!" Nagulat ako nang sumigaw si Lucas sa tabi ko.

"Himala, hindi mo chini-cheer ang best friend mo?" Pabiro kong tanong.

"Kuya and I made a bet," tipid na explanation niya.

"Magkano? Sali ako!!!" Pagp-presinta ko, naka-taas pa ang dalawa kamay.

Tinignan niya muna ako saglit bago ibinaling ang atensyon sa laro ulit.

"Twenty."

"Twenty lang?" Kinuha ko ang wallet ko na itinabi ko sa bag na dala ni Alison. Siya na kasi ang nag-dala ng ilang gamit namin, doon din naka-patong ang puting scarf na dala ko kanina.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now