33: Final Practice

22 6 5
                                    

Kami na lang ni Lucas ang natitira sa practice room, nagpa-iwan kami para mag=practice sa exclusive performance bukas.

Ang kakantahin namin ay binigyan ko ng title na "For You" dahil wala pa raw siyang naiisip na title. Bagong gawa lang daw niya ang kanta kaya wala pang title, buti na lang at naka-isip agad ako ng title nang mabasa ko ang lyrics.

According sa kanya, this song we will be performing is like a song of confession, assurance, and basically, just describing how a person sees someone he or she loves. Makikita rin sa kanta 'yung process ng paglalim ng feelings over time, kung paano lumalim mula sa "adore" hanggang sa naging "like" at hanggang sa sapat na 'yon para matawag na "love."

"Game?" Tanong niya nang mai-saksak na ang gitara.

Tumango lang ako bago umupo sa upuan ko, hawak-hawak ang mic ko.

"Clouds in the sky, birds flying high.
Every morning is a bliss, it's you I always miss.
Later that night, stars shining bright.
Every moment with you is a treasure I always keep."

Kanta ko sa intro bago pumasok ang verse one kung saan siya naman ang kumanta.

"When my eyes caught your figure," tumingin siya sa 'kin kahit nanatiling naka-harap ang katawan sa salamin—hawak ang gitara.

"Walking in a graceful behavior.
The way you look at me as if I'm your saviour.
Look how my heart reacts, the feelings couldn't waver."

Kahit nakaka-akit talaga ang mga mata niya, hindi ko hinayaang magpadala sa mga 'yon at mawala sa kanta. Ako ang kumanta sa unang part ng chorus.

"When I get to see you smile, how the world shines.
With you in my arms, everything's fine."

Diretso pa rin sa kanya ang tingin ko pero nakatutok siya ngayon sa gitara niya hanggang sa dahan-dahang inangat ang ulo para kumanta sa mikropono, ako naman, tumingin na lang sa salamin.

"Don't you doubt for I'm now sure,
That my love is pure."

Naka-tingin lang siya sa salamin habang kumakanta pero tila nagka-tagpo pa rin ang mga mata namin.

"For you, who I always adore." Sabay naming kanta.

"Feelings up high, hearts abide." Pagpapatuloy niya.

"Just a simple kiss, your touch, I always miss." Salo ko sa susunod na linya.

"All through the night, when stars shining bright."

Nang dahil sa linyang 'yon, nanumbalik sa akin ang maraming ala-ala namin mula pagka-bata. Lalo na nu'ng junior year, nang parehas kaming maagang bumalik sa campus matapos ang christmas break.

"How's your Christmas?"

"Ayos lang, ikaw?" Naka-tingin sa langit na tugon ko.

"Boring."

"Why? Was Kuya Lau not there?"

"I just thought that it was boring, probably because i'm used to hectic schedules."

Natawa 'ko sa sinabi niya. Para bang gusto niya sabihin na mas nami-miss niyang mag-pagod sa practice room.

"I like your smile."

Ngumiti lang ako sa compliment niya, hindi kasi ako sanay tumanggap ng compliments galing sa ibang tao, kahit sa mga ka-close ko pa.

"Your smile shines like the stars."

"You seem to love sceneries a lot, huh?"

"Yes, especially the stars."

"Ironic," I scoffed.

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon