32: Awkward

19 6 5
                                    

Ilang linggo na rin ang nakaraan at aaminin kong hirap kaming dalawa ni Lucas, kahit na nag-uusap kami minsan, ramdam pa rin ang awkwardness. Para rin akong wala sa sarili nang dahil sa issue na nalaman ko.

O baka ako lang 'yon?

Matapos ang insidenteng 'yon, naniniwala na ang buong school na kami nga ang nasa rumours. May ibang natuwa, may ibang support daw sa amin, at may ilan na may nasasabi pa rin dahil akala nila pinoprotektahan kami ng academy dahil sa connections ni Lucas at sa status namin bilang top students.

Hindi nila alam na hindi naman talaga kami ang nasa rumours.

Nag-decide rin kami ni Lucas na hindi na mag-labas ng statement dahil talaga namang sila lang ang naga-assume tungkol do'n, besides, ayaw rin naming mas mayare sina Alison kapag mas lumaki ang issue.

"Wala nanaman silang chocolate drink," I pouted.

Lunch break namin ngayon kaya nandito kami sa canteen ni Alison. Salad ang kinakain niya dahil diet daw siya, ako naman ay burger lang tsaka tubig. Sa pagitan naming dalawa, siya ang mahilig sa salad at sa pineapple juice o kaya cucumber.

"Anong plano mo?"

"Plano?"

"Sa inyo ni Lucas."

"Ano nanamang meron? Nananahimik na kami ha," umiiling na reklamo ko.

"Exactly! Nananahimik kayo masyado, everyone can see it, Celeste! Its either hindi niyo nakikita o ayaw niyo lang i-admit dahil natatakot kayo."

"Ano namang ikakatakot ko?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.

"Na baka maging dahilan si Lucas para mag-dalawang isip ka sa mga pangarap mo," diretso pa sa akin ang tingin na tugon niya.

Mukhang confident siya sa sinabi niya sa 'kin.

"Of course not, alam mo namang ang pangarap ko ang priority ko 'di ba?"

Hindi ako nagde-deny, sinasabi ko lang ang totoo. Kahit anong mangyari, kahit ngayong mahal ko na si Lucas, hindi ko basta-basta iiwan ang kahit anong chance na puwedeng dumating sa 'kin. Lalo na ngayong natanggap ko na ang reply ng pinapangarap kong entertainment sa South Korea at natanggap ako para maging officical trainee nila.

"Anong chika?" Biglang sulpot ni Brian sa likod, kasunod niya si Lucas na umupo sa tabi ko.

Natahimik agad ako at nagpaka-busy sa pagkain. Nagku-kuwentuhan sila pero nakikitawa lang ako at hindi nagsasalita, hanggang sa in-excuse ko na ang sarili ko dahil pupunta ako sa office ni Miss Prieto.

"Samahan na kita."

"Hindi na, Lucas. Private matters," matipid akong ngumiti bago ako nag-lakad paalis.

Alam na ni Miss Prieto na gusto ko siyang maka-usap ngayong araw, kaya umaasa akong nasa office lang siya at hinihintay ako. Mamaya kasi alam kong busy na siya dahil may tuturuan siya sa freshman.

"Come in," rinig ko sa loob ng office nang kumatok ako.

"Good day, Miss Prieto."

"Have a seat and just call me without formalities, nandito ka hindi lang bilang student, alam kong gusto mong pag-usapan ang mangyayari sa pag-alis mo. Bilang nangako ako noon, I'll always be ready to listen, Anak."

Ngumiti ako nang tila nawala ang pagka-Miss Prieto niya. Minsan talaga ay nakaka-curious kung paano niya nakakayang tila dalawang persona ang meron siya.

"Like what you said, Ate. I'll be leaving in a few days, inayos na rin sa bahay ang mga gamit ko para kapag umalis ako. Magsisimula na rin akong mag-ayos ng gamit na meron ako rito, hindi na talaga 'ko aabot sa graduation day, Ate."

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now