43: Deny

19 6 1
                                    

Matapos lumipas ang ilang mga araw pa, naging maayos na ang rumours kaninang umaga lang nang sina Alison at Brian na ang mag-pasya on their own. Sabi nila lalo lang lalala ang sitwasyon kung hahayaan lang namin ang rumours.

Muntik pa kami mag-away ni Alison kanina sa call dahil inexplain ko na desisyon din ng management ko na manahimik na lang at 'wag muna mag-labas ng statement dahil magandang strategy rin daw 'yon para mai-promote ang show namin since mar-reveal na ngayong araw na kasama kami sa hosts ng new survival show na sisimulan in a year and a half if I remember it correctly.

Pero sabi nga ni Alison sa 'kin, its either I clean my name or she will. Pero dahil hindi ko kaya dahil sa maangement, siya ang gagawa ng paraan.

So she posted a photo of us, picture naming apat at nag-caption pa na parang normal lang ang lahat.

'Got to meet these two around a week ago! Finally, we're complete after years! Missed you, guys! <33'

Nag-died down na ang rumours at dahan-dahang tumahimik ang social medias ko buong mag-hapon, until night came...

Nahalungkat ng mga fans na hindi talaga nakampante ang lahat ng past performances at pictures namin, hinalungkat nila lahat maging ang page ng ACA hanggang sa humantong na sa private information about sa amin ni Lucas.

Alam na ng netizens kahit dati pa na si Lucas ay anak ni Tito Lorenzo, ang owner ng pinakamalaking film productions company sa bansa. Pero hindi naging issue 'yon dahil sa ibang industry naman siya pumasok at naging solo artist siya under Limelight Entertainment, my family's company.

Pero hindi gano'n ang nangyari sa 'kin, iba ang judgement ng mga tao sa kung anong meron ako ngayon.

Nahalungkat nila na ako ang panganay na anak ni Matteo Lim, ang CEO ng Limelight Entertainment, the top company for artists. Iba't-ibang accusationa ng nakuha ko mula sa kanila nang dahil sa totoong pagka-tao ko at sa family background ko.

They were accusing me that I was able to get to where I am right now because of connections, because of that man I don't even consider as my Dad anymore.

"How can they be so quick to judge?" Parang baliw na tanong ko sa sarili ko.

Nasa kwarto lang ako ngayon dahil masyado pa namang maaga, tulog pa ang iba dahil magu-umaga na rin kami nakabalik galing sa isang shoot.

Pero bukod doon, lalong lumala ang accusations nila sa 'kin nang maalala nila si Mommy. Christine Lim, the current most influencial woman in the Philippines due to her connections and businesses.

Yes, mas lalong tumutok si Mommy sa pagi-invest sa iba't-ibang companies, nag-tayo na rin siya ng sarili niyang store ng perfume. Higit sa lahat, kaibigan niya ang current first lady ng bansa.

Nang dahil sa connections ng parents ko at sa influence na dala ng pangalan ng pamilya namin, nag-kalat ang rumours na kaya lang ako naging idol dahil sa connections namin.

Pinapalabas nila na dahil isa siya sa directors ng ACA kaya ako nakapasok noon at sa current entertainment ko ngayon, dahil daw sa connections ni Mommy kaya ako nakalipad sa South Korea.

Ang daming binabato sa 'kin ng mga tao, iba't-ibang issue kasabay ang pagpapatibay nila tungkol sa amin ni Lucas. Sinasabi nila na kami na raw noon pa at tinago ko lang sa company ko, may mga nagsasabi pa raw na kaya ko iniwan si Lucas dahil sa sugapa ako sa fame.

Hindi naman fame ang habol ko sa industriyang 'to! Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko 'yon.

Napaka-unfair naman yata ng mga tao? Bakit kailangan nilang i-judge ako? Hindi pa ba sapat ang naipakita ko sa kanilang talents ko?

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon