46: Comfort

14 5 8
                                    

TRIGGER WARNING: Suicide Attempt.

Dalawang araw lang ako nag-stay sa ospital. Kinailangan daw kasi nilang i-monitor ako sandali dahil sa heart history sa mother side ko, magiging masama raw para sa 'kin kung sakaling hindi maagapan.

Matapos ang dalawang araw, saktong naka-uwi na si Mommy sa bansa at siya na ang sumundo sa 'kin. Kasama namin ngayon sina Alison at Brian sa sasakyan, pinapauwi ako ng company sa bahay namin para doon muna mag-stay habang on hiatus ako.

Marami pa ring nasasabi ang ibang tao, parang natuwa pa ang iba nang malamang na-ospital ako habang ang iba naman, sinasabi na isang malaking kalokohan lang 'yon para may excuse ako para mag-hiatus.

S'yempre, hindi ko na lang pinansin ang comments nila. Wala naman akong magagawa kung 'yon ang gusto nilang sabihin, lalo na kung hindi naman nila alam ang buong kuwento.

Napaka-hirap buoin at makami ng mga pangarap mo, pero parang ang dali lang para sa ibang tao na sirain 'yon.

Nang makarating na kami sa bahay, todo ang welcome sa akin ng mga maids. May nakahanda rin na pagkain sa dining area para raw makakain agad kami pag-dating, si Brian naman ay tumulong na i-akyat ang gamit ko sa kwarto ko. Habang si Alison at Mommy, nakaupo ngayon sa sala at umiinom ng tubig.

"Si Kobe po?" Tanong ko habang umuupo.

"Nako, baka nag-aaral po. Kanina pa po namin tinatawag pero hindi sumasagot sa 'min, malamang ay busy po 'yon."

Tumango naman ako at dahan-dahang tumayo para pumunta sa may baba ng hagdan.

"Kobe? I'm home!" Sigaw ko.

Nage-expect ako na bababa na siya agad dahil gano'n ang lagi niyang ginagawa noon, kahit anong ginagawa niya ititigil niya para salubungin ako.

Pero walang Kobe na bumaba ng hagdan, si Brian lang na hinihingal.

"Si Kobe? Nakita mo ba?" Tanong ko kay Brian, may halo nang pag-aalala sa boses ko.

Something's strange...

"Baka nasa kwarto niya?"

"Oo nga, pero hindi lumabas nang tawagin ko eh."

"Sandali, tawagin ko."

Tumango lang ako at babalik na sana para hintayin dito sina Brian at Kobe na aasahan kong magkasamang bababa sa hagdan. Pero isang malakas na sigaw ang dumagundong sa buong bahay, natigil ang lahat at napatakbo kami paakyat nila Mommy.

"KOBE!"

Kumaripas agad ako ng takbo paakyat, kasunod ko si Mommy at si Alison na muntik pang madapa sa hagdan.

"Anong nangyari?!" Tanong ko agad nang makarating ako sa kwarto ni Kobe, bukas ang pinto at nasa sahig si Brian na akap-akap ang kapatid ko.

Tumama pa ata sa kung ano si Brian at dumudugo ang ulo niya ngayon habang si Kobe ay tila nanghihina, nasa paanan nila ang isang upuan.

"A-Ate..." Namumutla ang mga labi ni Kobe, namumuo ang luha sa mga mata.

Lahat kami ay napa-tingin sa kisame kung saan isang tali ang tumambad sa amin. Nabalot ako ng takot at tumakbo papalapit sa kapatid ko nang ma-realize kung anong nangyari.

"Kobe, bakit mo ginawa 'yon?! Alam mo ba kung anong ginagawa mo, ha?!"

"T-Tatawag ako ng ambulansya, sandali lang!" Namumutla na rin si Alison nang nagmamadali siyang bumaba para kunin ang phone niya.

"Anak, ano bang ginawa mo?" Umiiyak na tanong ni Mommy, naka-upo na ngayon sa may pinto at naka-sandal.

"I'm sorry, Ate. I'm sorry," pilit niya 'kong inaakap kahit nanghihina na siya.

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon