38: Promotion

18 6 3
                                    

"Girls, all set?" Tanong ng manager namin.

Tatlo kaming nasa iisang kotse ngayon habang nasa kabila naman ang tatlo pang members. According na lang sa age ang pagkakahati para hindi na nami kailangang mag-rock, paper, scissor araw-araw.

Eleven AM ang start ng program na pupuntahan namin, eight AM ang call time namin para sa rehearsals, nince-thirty naman ang briefing para sa mga parts na maga-appear ang group namin at kung anong kailangan namin gawin.

Dahil maaga ang schedule, four in the morning kami gumising para mag-hilamos at mag-bihis. Thirty minutes lang halos ang kinailangan namin dahil kailangan barefaced kaming pumunta ro'n dahil ang makeup artists at stylists namin ang bahala sa makeup, hair, and outfits.

Medyo matagal din ang byahe namin papuntang QC, mga six in the morning na kami nakarating. Pagkatapos no'n, nag-settle na kami sa naka-assign na green room sa amin.

Tahimik lang kami lahat mula kanina sa byahe hanggang sa pagdating namin dahil mga inaantok pa. Dinalhan naman agad kami ng pagkain ng manager namin since natulog lang kami sa sasakyan kanina lahat.

Habang kumakain kami, dumating na ang mga stylists namin dala-dala ang nasa siyam na maleta. Ang pito ro'n ay tig-iisa kami, mga pampalit, performance outfits, at sapatos. 'Yung pang-walo at pang-siyam ay mga gamit na kailangan nila para sa amin.

"Oh, girls. I just received the news that there will be a bit of change since one of their new staffs overlooked the list and mixed something, you will not be guesting with another girl group for today."

"Ah, sino na po?" Tanong ni Kyla, ang youngest at main rapper sa grupo.

"A big Filipino soloist, si Khai Perez."

"Khai Perez as in Lucas Khione Perez from ACA?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Rain, ang main vocal namin.

"Yes, siya nga. Sige, may aasikasuhin lang ako. Kumain muna kayo and then have some rest, mags-stretching kayo mamaya before your rehearsals."

Nang makalabas na ang manager namin, nilabas nilang lahat ang excitement nila maliban sa 'min ni Shine, ang pinakatahimik sa grupo at siyang visual, lead vocal, at lead dancer namin.

"Grabe, parang hindi naman excited 'tong si Gail. 'Di ba classmate mo siya before? Hindi mo ba siya gustong makita ulit?"

"Huh? Pagod lang ako," tumatawang wika ko bago kinain ang huling fries sa food ko.

Bandang seven-thirty in the morning, nag-start na kaming mag-stretching kung saan ako ang nag-lead sa grupo. Pagkatapon no'n ay kinabitan na kami na kami ng microphones namin at pumunta na kami sa mismong studio.

"Good morning po," bati namin sa mga staff na nakakasalubong namin.

Nang bigla kong maka-salubong ang isang pamilyar na mukha.

"Good morning, good luck po! Good luck, Ate Celeste."

Ngumiti siya sa 'kin pero alam kong plastik lang 'yon, halata naman sa tingin pa lang na hanggang ngayon ay may galit at inis sa 'kin si Stacey na isa sa hosts ng show.

Pina-upo muna kami sa mga upuan para sa audience since wala pa namanng laman ang studio. Nasa kabilang side ang ilang hosts na kakatapos lang mag-check ng mics nila.

Ini-explain naman sa amin kung paano ang mangyayari sa opening prod kung, mauuna raw kaming mag-perform bago si Lucas—este, si Khai.

"Elysian, please stand by po!" Pina-akyat naman na kami sa stage para mag-rehearse na.

"Let's check your mics first po then tell us if we need to adjust anything so we can take note for later," bilin ng isa sa staff.

Matapos ang checking, pumwesto na kami para mag-start sumayaw.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now