45: Hiatus

18 6 8
                                    

"Yes, I was so proud of myself nga kasi I was able to handle myself well nu'ng nag-guest sila sa show. Pero grabe 'yung anxiety ko that time, to meet your former senior na dati binu-bully ka lang tas ngayon ang successful na niya at mahal na mahal siya ng tao? Hindi ba parang ang unfair naman na ang bait-bait at ang linis ng tingin nila ngayon sa kanya?"

Isang video ng inggeterang former junior ko ang pinapanuod namin ngayon sa loob ng office kasama ang CEO na nasa call at ang manager ko maging ang co-members ko.

Yes, sinamantala ni Stacey ang current issues ko para maka-gain ng atensyon sa netizens. Nagpanggap siya na victim ko noon sa pambu-bully, eh siya nga ang laging nagsisimula ng gulo.

"Nakuwento ko na noon sa isang interview na dati akong taga-ACA pero bigla akong natanggal pati ang father ko na isa sa directors, it was because of her and her cheater Dad."

Nag-init lalo ang ulo ko nang marinig nanaman 'yon.

"Nagulat ako nang malaman na drop out ako dahil sa kanya, ginamit niya ang power ng Daddy niya para mapa-alis ako dahil ayaw niya sa'kin. Tapos—Tapos," nag-fake pa ng iyak si gaga.

"Kulang sa pansin," bulong ko.

"Tapos ngayon todo kampi pa ang mga fans niya sa kanya. Nang dahil sa kanya kaya hindi natupad ang pangarap ko na maging idol, tapos siya nakuha niya ang spot niya sa Elysian nang dahil sa connections?" Humagulgol pa siya lalo.

Bukod sa nakakainis niyang mukha, kuha sa video na tinake ng team ng company namin ang comments na puro hate na ngayon sa akin.

"This is what I was talking about, Gail. Due to the recent rumours, issues, and this current video we just watched, the board of directors have decided to put you on a hiatus."

"What?! You can't do this to me, I am innocent!"

"Gail, Gail. Calm down, let's calm down."

"You know that... I am innocent," hindi ko na mapigilang umiyak pa.

Sobrang sakit makita na unti-unting gumuguho ang pangarap ko, parang nababalewala ang lahat ng pinaghirapan ko. Ngayong tuluyan na 'kong magh-hiatus at wala na 'kong laban sa company namin, ano nalang ang mangyayari sa 'kin?!

"We will do everything to prove your innocence, alright?"

"T*angina, ganito na kalala bago niyo aksyunan?! How about my dreams, Sir?! Do you really even care about your artists, Daepyonim?!" Humagulgol ako sa galit, inis, at lungkot sa lahat ng nangyayari ngayon.

Bumagsak na ang katawan ko dahil sa sobrang panginginig sa galit, buti na lang at nasalo ako ng manager ko.

Naki-usap siya sa boss namin at halos magmaka-awa na rin pero hindi siya pinakinggan at pinagbantaan pa.

"I don't want to hear anything about this matter again! Gail will go on a hiatus until this issue is solved, that's final. One more word and I will fire you!"

Matapos 'yon ay pinatayan niya kami ng call.

Hindi ako tumigil sa pag-iyak, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng chance na manatili sa industriyang mahal na mahal ko dahil hindi ako kayang ipagtanggol ng company ko. Anong klaseng entertainment 'to?!

"I'm sorry, Gail. I'll do my best, okay? We'll do our best, I promise that."

Paulit-ulit na assurance ng manager ko.

"But what if they kick me out?"

"No, no. They won't do that, they can't. You have the power, Gail. The moment your name is cleared, they will eventually learn their lesson."

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon