15: Script Reading

24 5 3
                                    

Tahimik ang lahat sa loob ng tila conference room. Naka-upo sa gitna ng long table si Lucas bilang siya ang direktor, magka-tapat naman kami ni Jason. Katabi ko si Brian habang si Alison ay nasa kabila, ang iba pang characters ay nasa mga sumunod na upuan, at sa dulo ng mahabang mesa matatagpuan si Miss Prieto na kasama ang dalawang directors ng academy.

Kabado ang lahat dahil ngayong araw ang script reading. Tagumpay namang natapos ang script reading ng mga characters, may ilang parts na kailangan pa i-improve, pero the rest is okay na. Nakakatuwa rin ang talent ni Brian sa pag-arte, siya ang nags-shine sa kanilang lahat nitong mga nakaraan. Maging ang directors at si Miss Prieto ay halatang natutuwa sa kanya.

"Ehem," Miss Prieto cleared her voice. "Mister Perez?"

Prenteng naka-sandal si Lucas sa upuan niya, kalmado at naka-taas ang kilay nang tawagin ni Miss Prieto. 

"You mean, Director Perez, Miss Prieto?"

Kanina ko pa ramdam ang uneasiness ng ibang mga tao sa loob ng conference room sa way ng paguusap ni Lucas at Miss Prieto, habang ang directors naman ay tila inaakalang nagpapaka-professional lang si Lucas. Pero ako na alam ang tunay na dahilan kung bakit ganito ang trato niya kay Miss Prieto at bakit naiilang siya kay Lucas, walang magawa kundi manahimik at isipin ang dahilan ng lahat ng ito.

I know that Lucas crossed the line that time, pero may punto rin naman siya. Gusto niya lang naman na 'wag gawin sa amin ni Miss Prieto ang parehas na naging trato niya sa kapatid niyang si Ate Ven.

Matapos ang aksidenteng iyon, parang mas naging mahigpit na si Miss Prieto sa amin. Ingat na ingat na siyang may mawala pa ulit sa kanya, kaya ganoon nalang din ang alaga niya sa amin ni Lucas dahil alam niyang malaki ang potensyal namin.

Alam kong mahal niya kami. Pero minsan, nakaka-sakal din ang pagmamahal.

 "Ayos ka lang?" Bulong ni Brian na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Can you focus and keep quiet? We are talking," napa-tingin kami kay Lucas.

"Ni-hindi nga nila marinig ang usapan namin," pagrereklamo ko pa pero natahimik ako nang tignan ako nang masama ni Lucas.

"Kausapin kita mamaya after this," huling bulong ni Brian bago itinuon ang atensyon sa namumuong tensyon sa mahabang lamesa.

"Can I be honest with you, Ms. Lim?"

Lumingon naman ako kay Miss Prieto.

"I don't think this script is satisfying enough," diretsahang saad nito.

Tahimik lang ako, naka-tingin sa kaniya ng diretso dahil inaasahan ko nang ganito ang sasabihin niya.

"Akala ko ba may experience ka sa pagsusulat? Akala ko ba magaling ang kaibigan mo, Miss Alison? Why am I not impressed?'

"Because you don't like the fact that this story tells the truth about the life of dreamers who had to sacrifice everything for the sake of their dreams."

"Celeste," pigil ni Brian sa akin pero tila sa akin kampi si Lucas.

"Let her, Brian."

"What do you mean by that, Miss Lim? That would make a good example for others, that would show people what it takes to be an idol."

"But that's the whole purpose of the script- of the whole storyline... But you're rejecting it because you thought it's about HER," lumabas na sa tono ko ang inis.

Hindi ako galit, dahil naiintindihan ko at napatawad ko na siya sa lahat ng nagawa niya noon kahit hindi naman siya humingi ng sorry. Pero hanggang ngayon iniiwasan niya na ma-bring up ang nangyari sa kapatid niya dahil hindi niya tanggap na tama ang sinabi ni Lucas sa kanya.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now