39: KhaiGail

21 6 3
                                    

Ilang araw na rin na iisa lang ang bungad sa 'kin sa internet, trending ang term na "KhaiGail" na pinasikat daw ng mga fans na nags-ship sa amin ni Khai matapos ang mga interactions namin sa guesting noon sa isang show.

Marami rin ang casuals na na-curious bigla sa aming dalawa at sinasabing bagay raw kami. Hindi ko inaasahang aabot sa ganito kalaki ang magiging resulta ng lahat nang nangyari nu'ng araw na 'yon.

May tweet tungkol sa pa-simpleng pag-admit ni Lucas na siya 'yung nag-send ng letter noon at kino-connect nila 'yon sa experiences namin before na baka nga raw nagkaroon ng feelings. May iba naman na ine-edit ang photos namin o 'di kaya 'yung interaction namin during the game nu'ng tinakpan niya ng jacket niya ang katawan ko since kailangan kong humiga para sa game. Hindi nakalagpas sa netizens kung paano mag-care para sa 'kin si Lucas.

Simula nu'ng araw na 'yon ay napapa-isip na rin ako...

Does he still mean those words he told me before I left?

Kasi ako, oo. Mahal ko pa rin siya kahit ilang taon na ang nakalipas, ni-walang nagbago sa feelings ko para sa kanya.

Wala kaming schedule ngayong araw, plano lang naming mag-order ngayon ng food at mag-movie marathon together. Tahimik ang dorm ngayong umaga since bumabawi ng tulog ang iba at may kanya-kanyang ginagawa pa.

Tamang scroll lang ako sa twitter habang naka-upo sa sofa at umiinom ng chocolate drink, nang may makita akong isang reposted video ng isang netizen na nagpa-kaba sa 'kin nang sobra.

'Yung video ng exclusive performance namin ni Lucas sa isang survival show kung saan nag-guest ang team namin a few years back.

Napa-tayo ako sa nakita ko, "THEY FOUND THIS?!" 

Napalabas ang ibang members sa room nila dahil sa lakas ng sigaw ko, si Shine nga ay tila nagising lang sa sigaw ko at may hawak pang kumot at gulo-gulo ang buhok.

"Ano 'yon? What happened, Ate Gail?" May pag-aalala sa boses ng leader namin na tanong sa akin.

Lumapit sila para tignan ang nasa phone ko habang nanatili akong tulala, gulat sa mga nangyayari ngayon.

"Akala ko naman kung ano," wika ni Shine at pumunta sa kitchen area para kumuha ng kape habang naka-balot sa kanya ang kumot niya.

Ang ibang members ko naman ay pinanood hanggang sa matapos ang exclusive performance namin ni Lucas.

"Woah... sorry, Ate Gail pero... bagay nga kayo," sambit ni Rain sa 'kin.

"Sayang, hindi naging kayo." Pakikisali ni Hana sa usapan.

"Eonnie... dul-i jal eoullyeoyo," wika ng nag-iisang member namin na may dugong Korean. "Nongdam-i aniya."

(Sis, you two look good together. / I'm not kidding/)

"Jugeullae?" Pagbabanta ko sa kanya.

"So this is why you two were trending?" Sabat ni Chloe.

"Ugh, I hate this."

Napa-sapo nalang ako sa ulo ko tsaka ibinagsak ang katawan ko sa sofa.

"You hate him? I thought you're friends?" Tumabi sa 'kin si Chloe.

"Kuha lang akong food, mukhang mahaba-habang chika. Wait lang," paalam ni Hana.

"No, I don't hate him. I just hate that we're getting too much attention right now," correction ko. "I appreciate the fans' support, but our agency might kill me if they think this is true."

"Of course, they won't. They've always been after you, they will support you no matter what."

Alam ko naman na hindi ganoon kahigpit sa amin ang agency, lalo na sa 'kin. Pero s'yempre, magagalit ang CEO n'yan dahil iisipin niya na makaka-istorbo sa 'kin 'yan.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now