Epilogue

44 7 8
                                    

A few months later...

Tahimik ang paligid at tanging boses lang ni Lucas ang rinig.

His voice never failed to have me mesmerized. Everything about him, the way he sings each word, the way he looks at me as if he's serenading me, the way he's swaying to the music, just the way he performs the song, he's got me falling even harder.

Lahat ay napalingon sa likuran nang dumating ang chorus at dahan-dahang bumukas ang puting kurtina, kita ang isang matangkad, maganda, at mala-anghel na babaeng naka-belo at puting gown.

Napalingon ako kay Brian para makita kung anong magiging reaksyon niya. For the first time... nakita ko siyang umiiyak.

Hindi ko inaasahan na mas magiging emosyonal pa si Brian ngyaong araw kaysa kay Ali. Parang buong seremonya ng kasal nila ay naiiyak siya, lalo na nang sabihin na niya ang vows niya. Walang magawa si Alison kundi tawanan na lang siya at biruin siya para mapatawa naman si Brian.

"We have been through a lot, we had to sacrifice a lot for our love, we had to face a lot of judgments and difficulties. But one thing is for sure, I will never regret all the decisions I made. I will never regret giving up the idol industry for you, I will never regret proposing to you, and I will never regret this moment... of marrying you."

Humikbi si Brian at napuno naman ng tawanan ang mga tao. Mukhang wala rin sa kanila ang umaasang mangyayari 'to, ang umiyak si Brian nang totoo at hindi basta script lang.

"You are the woman I've always dreamt of, the woman I've always loved, admired, cared for, and feared."

Natawa nanaman ang lahat dahil inside joke 'yon na nakalabas na sa social media dahil sa lagi raw under si Brian kay Alison sabi ng fans nila.

"But aside from all of those, we were able to build our own business together with our two friends who witnessed our story. We were able to grab numerous awards, we made great memories, we had a lot of fights that made us stronger, and we witnessed a different kind of love story," tumingin si Brian sa akin na katabi na ngayon si Lucas.

"But one thing I would like to thank God for getting us through, was all the nights we spent that we almost gave up. All the crying, the hardships, the conflicts, everything... Everything that God made us experience to test our love for each other. I know that I have proven myself to be worthy to become your boyfriend, but now, I am willing to take this challenge to prove myself deserving to be your husband and the father to our future kids. I love you, Alison and I will always do."

Nagpalakpakan ang lahat matapos ang vow ni Brian.

Sa totoo lang, wala akong ine-expect masyado sa vow ni Alison dahil pinakita niya sa 'kin 'yon at pina-check kung tingin ko raw ba ay may kulang pa. Kaya alam ko na kung anong laman noon, pero hindi ko ineexpect na iba pala ang ending na ginawa niya sa pinakita niya sa 'kin. Ang part ng vow niya na nagpa-iyak sa akin.

"Sobrang laki ng thankfulness ko sa Lord, kasi kumpara sa iba mas naging madali para sa atin ang lahat. Na-witness natin pareho ang dalawang taong nagmamahalan pero hindi magawang ipaglaban ang isa't-isa dahil ayaw nilang mabalewala ang mga pangarap nila."

Naramdaman ko ang paghawak ni Lucas sa kamay ko at hinalikan ako sa sintindo ko. Gamit ang kabilang kamay ko, nagpunas ako ng luha.

"Although hindi natin fully na-witness, naka-encounter din tayo ng dalawang taong mas pinili nalang na maging single because the love they fought for before did not ended well for them."

Pasimple akong tumingin kay Ate Venice na may pilit na ngiti sa mga labi sa narinig niya, nang ilipat ko ang tingin ko kay Kuya Lau, naka-tingin siya kay Ate Venice na nasa kabilang bahagi at napapunas nalang ng luha tsaka huminga nang malalim.

"Grabe, hindi ko ma-imagine kung gano'n ang nangyari sa 'tin. Paano kung mas pinili natin ang mga pangarap natin tapos hindi na tayo nagkita ulit? O kaya... paano kung may chance pa naman pero masyado na tayong takot sa nangyari sa nakaraan kaya ayaw na nating subukan?"

Lahat nang 'yon nagpa-sakit ng dibdib ko. Pero kung ako nasaktan... paano pa sina Ate Venice at Kuya Laurence?

Ang dalawang taong mas piniling manatili nalang bilang magkaibigan kahit kita naman ng lahat at alam kong kita rin nila na mahal pa nila ang isa't-isa.

Napaisip tuloy ako... Anong mas masakit?

Ang pakawalan ang taong mahal mo para sa pangarap mo kahit walang kasiguraduhin kung may pag-asa pang maging kayo sa huli? O ang ipaglaban ang pagmamahal niyo na unti-unting sumira sa pangarap mo?

Tingin ko mas masakit ang naranasan ni Kuya Laurence at Ate Venice. Hindi naman masisisi ang lahat kay Kuya Laurence, hindi rin naman masisisi si Ate Venice kung gano'n ang nangyari. Valid din naman ang naramdaman ni Ate Venice, at the same time, hindi ko siya masisisi kung na-trauma siya sa nangyari.

Ikaw ba naman ang mawalan ng taong mahal mo at ng pangarap mo at the same time? Hindi ka mad-down?

Mabuti nalang at mula una palang, pinanghahawakan ko na na kung anuman ang pangarap ko, handa akong panindigan at unahin 'yon. Hindi ko hinayaang mawala sa landas na pinaghirapan ko at pinaghihirapan ko.

Siguro matatawag ko rin na katapangan ang ginawa kong pagpili sa pangarap ko noon. Dahil para akong sumugal kasi wala namang kasiguraduhan kung makikita ko pa ulit si Lucas.

And yet here I am, standing beside him. We're watching our best friends get married as everyone clapped their hands in cue, as the bride and groom shared their first kiss as husband and wife.

"Woohoo!" Sigaw ko pa nang laliman ni Brian ang kiss.

"Ikaw ha," asar sa 'kin ni Lucas na inirapan ko lang.

"I'm happy for them," bulong ko habang naka-ngiti at nakatitig sa bagong kasal.

"Bakit? Are you not happy with our relationship?"

"Of course, I am! I'm just happy because they deserve this genuine happiness they are experiencing right now. Everything they have right now, may sarcifices silang ginawa para rito. Nakakatuwa lang kasi finally, they made it."

Tumango naman si Lucas at inakbayan ako at pinagdikit ang sintido namin.

"We'll make it too, one day. Kapag ready ka na, kapag nagawa mo na ang lahat ng gusto mong gawin."

"Kung makapas-salita ka naman! Bakit? Ikaw? Ready ka na? Nagawa mo na lahat ng gusto mo?"

"Oh, Celestine. The only thing I've ever wanted to do was produce at least one music and marry you, I'm born ready. Pero hindi kita pipilitin, I don't want us to rush things. I want us to enjoy the moment, enjoy each month, year, and decades we'll be spending together."

I felt my cheeks burning from his wise words. His words are carefully chosen, parang lahat ng sinasabi niya sa 'kin ay isang script sa isang pelikula.

"Mahal kita," bulong niya. "Sobra pa sa sobra."


THE END.

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon