28: Dating?

22 5 3
                                    

Five in the morning ay nasa practice room na kami ni Lucas, busy ayusin ang duo namin. May involved kasing tela sa performance namin sa song na "A Thousand Years."

Hindi naman sa nagmamataas ako o kung ano, pero sa amin ang pinaka-mahirap na duo. Ikaw ba naman ang mag-lambitin sa itaas tapos bigla kang malalaglag at kailangan kang masalo ng partner mo.

"Last one?" Tanong ko dahil malapit nang dumating ang mga kasamahan namin.

"Sige, last one."

Umakyat ako ulit sa tali at ginawa ang steps ko, ganoon din ang ginawa niya. Pina-practice kasi namin ang timing ng pagbaba niya at pag-bagsak ko sa kanya mula sa taas.

Dahan-dahan siyang bumaba mula sa tela niya sa kalagitnaan ng instrumental part, nang bumagsak ang sounds, tsaka ako bumitaw sa tali. Graceful ang pagbagsak ko at hindi basta-basta't ambilis dahil naka-ikot pa rin ang tela sa waist ko para maging support dahil pa-ikot ang pagbagsak ko hanggang masalo niya ko at dahan-dahang binitbit, magka-salubong ang mga mata.

Hindi na yata sa hingal at kaba ko sa pag-bagsak ang cause ng tibok ng puso ko. Tuloy-tuloy pa rin ang music pero na-stuck kaming dalawa. Naka-hawak pa rin siya sa waist ko, mahigpit ang hawak niya pero hindi 'yon sapat para hilahin ako. Kaso ang mga mata niya ang tila humihila sa 'kin, ni-hindi ako maka-alis ng tingin sa kanya.

"K-Kuya Lucas?"

Napa-tingin kami bigla sa may pinto kung saan may grupo ng ilang ka-team namin ang tulala at mukhang gulat ang mga mukha.

"Oh! Nand'yan na pala kayo," una akong kumalas sa pagkakahawak niya sa 'kin.

Nagkunwari akong magpupunas ng pawis sa isang sulok.

"Pasensya na kayo ha, maaga kasi kami pumunta rito para mag-practice at polish. Nakakahiya na kasing maka-istorbo kapag pina-practice namin kasama 'yung tela, wala tuloy kayong ma-puwestuhan gaano."

Mukhang nag-work naman ang pagchi-chika ko dahil kanya-kanyang asikaso na rin sila.

"What was that?" Akbay ni Alison sa akin.

"Alin?"

"Don't play dumb, Celeste."

"Ang alin nga kasi?"

"'Yung tinginan niyo kanina, what was that?"

"Wala—"

"Shh!" Nilapat niya ang daliri sa labi ko. " Don't deny it, sobrang lapit ng mga mukha niyo! Now, tell me. May feelings na ba ulit?"

"Puwede ba, Alison? Masyado tayong maraming kailangang pag-handaan, malapit na ang festival season, wala tayong panahon para sa mga ganitong biruan."

"Matatawag mo bang biro ang feelings?"

I glared at her.

"Your glare won't work on me, Sis. Tell me the truth because I have something to tell you that can either make your day or ruin it," kinabahan ako bigla sa sinabi niya.

"Okay, fine. But promise me na hindi mmo is-share kahit kanino 'to, okay?"

"OMG!" Nag-assume na agad siya kung ano ang isasagot ko base sa sinabi ko. "Sabi ko na eh, may something eh!"

"Oo na, I like him. Bumalik ata 'yung feelings na inalis ko noong freshman tayo," pabiro ko pang wika.

"Sus, dami pang explanation. Basta gusto mo siya, tapos!"

"Puwede bang 'wag kang maingay?!"

"Puwede bang 'wag kang maingay?~" Mapang-asar na tono niya, nangd-dogshow.

Your Loving Melody | Completed ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora