31: A Kiss

25 7 1
                                    

Ako ang naka-assign sa opening ngayong araw kaya mas mahaba ang waiting time ko bago ang pangalawang performance ko, kaya mahaba-haba ang time ko para mag-ready para sa duo namin ni Lucas.

Malapit nang matapos si Alison kaya naka-ready na kami sa backstage ni Lucas. Nandito ako sa left side at naka-tago habang nasa kabila naman siya, naka-tayo lang at pinapanood si Alison na mag-perform.

Kinabahan ako nang maghiyawan na ang mga university students na nagsisilbing audience dahil natapos na ang kanta sa performance ni Alison. Kasunod noon ang pagbagsak ng dalawang telang naka-tali sa taas ng stage.

Hingang malalim at nag-play na ang kanta namin.

Ako ang unang lumabas at ginawa ang part ko. Malambot at graceful ang bawat galaw dahil may pagka-contemporary ang steps namin.

Rinig ko ang hiyawan ng mga tao na natahimik para mag-focus sa sayaw ko. Pero lalo silang nag-ingay nang lumabas si Lucas at ginawa ang maikling par tniya bago kami nagsalubong sa iisang rhythm at steps.

Sa bandang gitna ng kanta sa chorus namin sinimulang gamitin ang tela, kanya-kanyang steps na nagpapakita ng isang istorya at iisang emosyon. Hanggang sa bumagsak na ang musika at bumaba kami sa tlea para dahan-dahang umikot pa-counterclockwise hanggang sa mag-build up na ulit ang kanta na siyang cue namin para pakawalan ang tela para mag-mukha kaming lumilipad habang naka-hawak sa kanya-kanya naming tela.

Nang humantong sa mga huling lines ang kanta, ginawa namin kung ano ang dapat naming gawin. Nauna siyang bumaba para dahan-dahang pumunta sa puwesto ko, matapang akong bumitaw sa tela at hinayang unti-unting lumuwag ang pagkakaikot nito sa waist ko. Pa-ikot akong bumagsak hanggang mahinto sa bisig ni Lucas.

Nasalo niya 'ko, katulad ng lagi niyang ginagawa. 

Lumapit kami sa isa't-isa, nakatitig lang ako sa mga mata niyang sinasalubong ang tingin ko ngayon. Once again, its as if I'm being pulled by his eyes. Tila may magnet 'yon na ayaw akong pakawalan hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya, this time ay hindi na sa waist. Hinila niya ko, pero this time, hindi para yakapin ako.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayaan ko siyang gawin kung anong gagawin niya. Bahala na, dahil may tiwala ako sa kanya. May tiwala ako kay Lucas dahil... mahal ko siya.

Habang diretso akong naka-tingin sa kanya, bumaba ang tingin niya sa mga labi ko pabalik sa mga mata ko. Parang may sariling timing maging ang pag-lapit niya sa 'kin at dahan-dahang pag-dampi ng labi niya sa mga labi ko.

We kissed. Lucas and I kissed in front of the people.

Rinig ang hiyawan ng audience, pero nangingibabaw ang hiyawang naririnig ko sa backstage. Habang naka-pikit ko at iniiwasang maramdaman ni Lucas ang lakas ng tibok ng puso ko, pero dapat ko pa nga bang pigilan? Kung halata naman na dahil hindi ko naman siya hahayaang halikan ako kung wala akong nararamdaman sa kanya, 'di ba?

Dumilat lang ako nang unti-unting humiwalay ang mga labi niya mula sa labi ko, naka-tingin siya sa 'kin sabay sumilay ang isang maliit na ngiti. Binalewala ko iyon at humarap sa audience para mag-bow at ganoon din ang ginawa niya bago namatay ang mga ilaw na siyang sign para umalis na kami sa likod.

Parehas kaming napa-takbo pababa ng stage dahil kung sa backstage kami dadaan ay sasalubungin lang namin ang ilang ka-team namin na waiting sa performance nila since mas maliit ang space rito kaysa sa ibang university.

Hindi ko mapigilan at para 'kong sumabak sa isang audition at triple ang kaba ko. Mabuti na lang at may excuse ako para magmadali sa backstage at iwasan siya dahil kailangan ko agad magpalit ng ayos at damit since may group performance ako after ng kasunod naming mag-perform ni Lucas.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now