11: El Nido?

41 8 4
                                    

CELESTE'S POV

"Okay na balikat mo?" Tanong ko kay Brian.

"Yes, 'wag ka mag-aalala."

Simula noong huling performance namin ay iniinda na ni Brian ang balikat niya, masakit daw ang balikat niya dahil sa kakasalo kay Stacey.

Kasalukuyan kaming naghahanda para sa huling challenge namin. May dalawang linggo nalang kami para sa huling task namin, nakakapagtaka kung anong klaseng challenge ang haharapin namin this time. Simula nang ma-challenge kami sa isang cheer dance performance, tingin ko posible nang ipagawa kahit anong challenge sa amin.

"Is everyone here?" Bungad ni Miss Prieto nang maka-pasok ito sa kwarto.

Nag-tama ang paningin nila ni Lucas na nasa tabi ko pero agad itong umiwas nang tingin, halatang naiilang pa rin.

"Yes, Miss!"

"Alright! Now, you must all be wondering what will be your last challenge. You have done the basic challenge of pairs to practice chemistry and a cheer dance performance to show and learn teamwork, but what about the third challenge?"

"Tingin ko mas mahirap pa 'tong next," bulong ni Ali sa 'kin.

"But before I announce your next challenge... I will give you all three hours to pack your things."

"Huh? Anong meron?" Curious na tanong ni Brian.

"We are going to..." Nag-labas ng mga plane ticket si Miss Prieto. "El Nido, Palawan!"

"Ayos!"

"Legit ba?!"

"Woohoo!"

Nag-sigawan ang lahat sa balita, maski ako ay napa-tayo at nagtatalon.

"Pupunta tayong Palawan, you heard that Lucas?!"

Nginitian niya lang ako, "Yes, I did. Now, go pack your bag. Mahabang byahe 'yon, mag-dala ka ng gamot."

Nawala ang ngiti ko nang maalala kong may motion sickness nga pala ako.

"Pack your bags and bring clothes and stocks good for two weeks," tsaka lumabas nang kwarto si Miss Prieto.

Napanganga ako sa narinig ko.

Imposibleng nakalaan lang sa saya ang two weeks na 'yon. For sure, mahaba-habang challenge 'to at mas mahirap.

We all rushed to our own rooms to pack our things.

I decided to bring two bags, my luggage and the black bag I use for practice.

I brought some casual clothes I can wear and a few pajamas. I made sure to bring a few extra shirts in case I'll need them, I brought some snacks since I'm a foodie these days. Lastly, I brought with me a neck pillow I can use.

"You ready?"

I smiled at him, "Yes, sir!" Nilagay ko pa ang kamay ko sa bandang sintido, parang sumasaludo.

"Saan na si Brian?"

"Bakit hinahanap mo?"

"Uhm... wala. Masakit kasi balikat non'n eh, baka maraming dala."

Tumango lang siya at nanahimik sa tabi ko.

Sakto naman at pumarada na sa tapat namin ang bus, hinintay lang naming tawagin ang pangalan namin by pair bago kami umakyat sa bus para raw sure kung kumpleto na at ma-check ang attendance.

"Brian and Lucas," tawag ni Alison sa dalawa dahil siya ang naka-assign na mag0check ng attendance.

Ako nalang ang natitira at natawag na halos lahat pero kinailangan pa i-make sure ni Ali na na-checkan niya na ang lahat bago kami pumasok.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now