40: Limelight Entertainment

20 5 1
                                    

Matapos ang mahigit thirty minutes na byahe, huminto kami sa harap ng isang pamilyar na building.

Naka-white long sleeves ako at black trousers na tinernohan ko ng two-inch heels. Meeting ang pinunta namin kaya nag-semi formal ako. May ilang gold accessories din akong suot at nag-sunglasses ako dahil maaraw since hapon ngayon, hinayaan ko rin muna ang co-members kong sila na lang ang manuod ng movies.

May ilang gulat nang makita akong pumasok kasunod ng manager ko. May ilan na nagb-bow para bumati, mga dating employee pa na kilala na ako. Ang iba naman ay tumili sa surprise at excitement nang makita ako, pero s'yempre, hindi maiiwasan ang bulungan ng ilan sa paligid.

"Bakit kaya siya nandito? Lilipat na ba siya ng entertainment?"

Hindi ko pinansin ang bulungan nila at tuloy-tuloy lang na nag-lakad papasok sa elevator katulad ng manager ko.

Ramdam ko kaba habang nasa loob ng elevator.

Pinaghalo ang kaba ko sa kung anong mangyayari para sa show na sinasabi ng manager ko at ang takot na baka maka-rus ko ng landas si Lucas kung sakaling nandito man siya ngayon.

Oo, hindi ko inakala na ang usapan nila noon ay magiging isa siya sa artists dito.

Pagkalabas namin ng elevator, sumaglit sa lobby ang manager ko habang naghihintay ako sa isang tabi at tahimik na naka-tayo.

"Hala, si Gail nandito."

Natawa ako sa reaksyon ng isang lalaki na mukhang teenager pa lang, mukhang trainee siya dahil may suot siyang name pin, typical na suot ng trainees dito.

Matapos makipag-usap ng manager ko, may dumating na staff para i-guide kami kung saan magaganap ang meeting.

May mga bumabati sa 'kin along the way. Due to fame, normal na ang may makakilala sa 'yo kahit saan, kahit sa ibang entertainment agency pa.

"Good afternoon," bati ng manager ko nang mauna siyang pumasok sa isang meeting room.

Sumunod ako sa kanya sa loob at bumungad sa akin ang isang taong inaasahan ko na, pero katabi niya ang isang lalaking kinakatakot kong ma-meet dito sa loob.

"Tine," he smiled at me.

"Hi, Lucas. Nandito ka rin pala," awkward akong tumawa.

Of course, he's here! Dito ang agency niya, eh.

"Good afternoon, Mister Matteo Lim. It's nice to see you again," bakas ang pagka-walang gana sa tono ng bati ko.

Alam ng manager ko kung bakit ako gano'n sa kanya kaya hindi niya 'ko sinuway.

"It's been a while, Anak."

Sumilay sa labi ko ang isang ngisi nang marinig ang salitang 'yon.

Anak? Nagawa mong lokohin kami ni Mommy tapos tatawagin mo 'kong Anak?

Magmula nang umalis ako sa Pinas ay kinalimutan ko nang Tatay ko siya, dahil walang Tatay ang kayang gawin 'yon sa pamilya niya.

Umupo ako sa tapat ni Lucas, ang manager ko naman sa tapat niya.

"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa," panimula niya. "We would like to offer you an opportunity to be a coach in a survival show, you will be working with Lucas. You two will be the main hosts and you will be assigned to a certain base," dugtong niya pa.

"Base?"

"Yes, Anak—"

"Can you stop calling by that? I'm being professional, I think you should too."

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon