16: Filming Day 1

27 6 4
                                    

"Good morning po," bati nila sa akin, mga bangag pa.

Alas-tres ng umaga palang ay gising na ang karamihan. Mula alas-tres hanggang ala-sais ng umaga ay tinutulungan ko silang mag-ayos sa baba, si Jason naman ay tumulong mag-ready kagabi kaya tulog pa. Si Lucas naman ay pinuntahan ang mga location na gagamitin ngayong araw para maka-usap ang mga tao roon.

"Good morning, Miss Writer! Kamusta?" Akbay ni Brian sa akin.

"Ito, ayoko na agad."

Natawa siya sa sinabi ko bago nag-labas ng pagkain.

"Kain ka muna, ako na d'yan." 

Hindi ako umayaw sa alok niya dahil wala pa talaga akong kain mula kagabi. Hinayaan ko siyang gawin ang nir-ready kong food para sa almusal ng mga staff, nauna na akong kumain.

"Bakit si Brian ang gumagawa nito?!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Lucas, napa-tingin sa kanya ang lahat.

"Kakain lang ako eh," halos parang offended kong saad bago padabog na ibinaba ang pagkain ko tsaka itinulak si Brian paalis sa kaninang puwesto ko.

"Hala, wala pang kain si Ate mula kagabi 'di ba?" Rinig kong bulong nung dalawang junior sa may harap ko banda.

"Direk, ano kasi-"

"Get your leading lady and other co-artists, mag-ready na kamo."

"O-Okay po," walang laban na wika ni Brian tsaka umalis.

Naramdaman ko ang presensya ni Lucas sa may likod ko pero hindi ko siya pinansin at nagpaka-busy sa ginagawa ko.

"Bakit hindi ka kumain kagabi?"

"Wala po, direk." Tipid na sagot ko.

I heard a sigh.

"Sige na, mamaya mo na gawin 'yan."

"Tatapusin ko na po muna, direk."

"Don't call me that."

"No, direk. I'm being professional po," sarcastic akong ngumiti bago bumalik sa ginagawa ko.

"Ako na d'yan, Celeste." Pigil niya sa kamay ko pero tinabig ko lang ang pagkakahawak niya at nagpatuloy sa paggawa.

Pagkatapos mong sumigaw dahil lang pinakilos ko 'yang artist mo? Ngayon sasabihin mo ikaw na gagawa ng trabaho ko? Bahala ka d'yan.

"Tine, ako na d'yan." Narinig yata ng ilang kasamahan namin ang pagtawag niya sa 'kin sa ibang nickname kaya napatingin sila sa amin.

"Isa."

"Dalawa," pagpapatuloy ko sa bilang niya. "Marunong din po akong mag-bilang, direk."

"Celestine Abrigail Lim," nagtinginan na ang lahat nang tawagin niya bigla ang buong pangalan ko. Kahit ako nanlaki ang matang napa-tingin sa kanya niya, eh. "Kumain ka na bago kita isumbong kay Tita," ngumiti pa siya bago niya inilayo ang kamay ko sa ginagawa ko.

"Eh 'di ikaw ang gumawa n'yan!" Tulak ko sa kanya para makadaan.

Pumunta ako sa may restaurant sa baba ng hotel para kumain ng breakfast dahil bukas naman na sila at mainit pa ang mga pagkain.

Naka-nguso akong kumuha ng pagkain at umupo sa isang lamesa, kumakain ng tahimik at mainit ang ulo. Ramdam ko na naka-kunot pa rin ang noo ko, pero anong magagawa ko kung ang moody ko ngayon?

Sabayan ka ba naman ng sigaw sa umagang wala kang kain at sapat na tulog at hindi ka pa mapakali sa sobrang sakit ng puson mo? Sinong hindi maiinis sa kaniya?

Maya-maya nang matapos akong kumain, tila may namukhaan ako sa malayo. Hindi ako sigurado kung siya nga iyon o baka namalik-mata lang ako at kamukha lang niya kaya hindi ko nalang pinansin.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now