44: Digged Up

19 4 3
                                    

Palabas ako ngayon mula sa isang photoshoot para sa isang magazine, kasama ko ang manager ko at ilang staff.

Tila naging normal na parte na ng buhay ko ang pangba-bash nila at wala na silang ibang mai-bato sa akin. Or so I thought...

Dahil saktong paglabas ko ng building, may naka-abang na ilang tao at may bigla nalang bumato ng kamatis at apple sa tagiliran ko.

"Aray!" Napa-luhod ako dahil sobrang lakas ng tama noon sa akin, agad naman akong tinulungan at tinakpan ng manager ko dahil nagpatuloy sila sa pag-bato.

Hanggang makapasok ako sa van ay halos maiyak na 'ko sa sakit ng tagiliran ko. Dahil sa lalaki ang manager ko, hinayaan niya ang isang staff na tignan kung may sugat ba 'ko par amagamot agad.

"I think it would be better if we take pictures of this so we can use them to sue those haters," suggestion ng isang staff.

"Can I see?"

Inabot naman niya sa 'kin ang picture, nagulat ako nang makita ang namumula kong balat.

"Kailangang i-treat 'to araw-araw, maya-maya lang magpapasa na 'to. Malala ang tama, para kang pinalo ng kahoy nito."

"Sh*t," hindi ko mapigilan mapamura nang hawakan niya ang area na 'yon.

Parang sobrang sensitive bigla ng tagiliran ko at sobrang sakit.

"For now, do not open the TV nor your phone. It will not be of any good for you," suggestion ng manager ko.

"I'm sorry if you had to go through this," bulong sa 'kin ng staff.

"'Wag kang magalala, ako na mismo ang gagawa ng paraan para makapag-labas tayo ng statement tungkol sa issue na 'to."

"But our Daepyonim..."

"I don't care, I care about my artists than his orders. We can't let this slide, this is already too much."

Hindi ko na napigilan pa at inakap ko na ang manager ko at naiyak sa sobrang sakit.

Ngayon ko lang naramdaman 'yung bigat na dinadala ko nitong mga nakaraan. Sobrang hirap pala talaga, sobrang sakit.

Akala ko ay matatapos na ro'n, pero nang mapag-usapan namin ng manager ko na dumaan muna sa isang convenience store para kumain ng noodles, may mga teenagers na nandoon na nakakilala sa 'kin.

"Sus, pa-humble."

"Kaya nga, eh anak naman ng cheater."

"Really? Cheater ang tatay n'yan?"

Tatlo silang nag-uusap na halatang pinaparinig sa 'kin ang usapan nila.

Napa-pikit ako nang marinig 'yon. Naungkat na nila pati ang tungkol doon, pati ang nangyari years ago.

"Ew, sana hindi maging sila ni Khai. Sana hindi totoo 'yung rumours, baka lokohin niya lang. Tsaka hindi sila bagay ni Khai, ang pangit ng background niya. Pathetic," halos isigaw na nu'ng isang babaeng naka-mini skirt at sleeveless top.

Pinigilan ko ang inis ko at kinuha ang phone ko para mag-message kay Mommy.

To: Mommy <33
Hey, Mommy! How's Paris? I hope you're enjoying :)

Mabuti na lang at nag-close na ng social media si Mommy at Kobe kaya kahit papaano ay makaka-iwas sila sa mga nangyayari ngayon. Ayokong pati sila ay ma-stress at madamay sa mga issue na 'to.

I'm so tired.

Nakakapagod nang marinig ang mga bintang nila sa 'kin, tapos ngayon pati ang kasalanan ng tatay ko ay aakuin ko?

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now