21: The Lim Household

39 7 7
                                    

Isang success ang huling challenge namin. Tuwang-tuwa ang directors at nakita ko sa mukha ni Miss Prieto ang pagka-proud sa amin kahit na pilit niyang itinatago ang emosyon niya. Kaya naman may chance kaming magkapag-pahinga ng isang linggo ngayon.

Isang reward mula sa school directors ang isang linggo pag-uwi namin sa kanya-kanyang tahanan. Nasa grounds kami ngayon ng campus, naghihintay sa iba pa naming mga kasama bago magsi-pasok sa bus ng academy.

Sakto para sa aming lahat ang bus at may sobra pa kung tutuusin, pero hindi magtatagal ay hindi na rin kumpleto ang team.

May apat na natanggal sa grupo namin, isa si Stacey ro'n. Maaari pa rin naman silang sumama o maki-nuod sa amin kapag nagsimula na ang rehearsals para sa festival season, pero dapat ay unahin nila ang bagong schedule nila.

Puro juniors ang natanggal kaya naka-hinga nang maluwag ang seniors dahil sure nang makaka-graduate sila.

"Alright, looks like you're all complete. A few reminders, susunduin kayo ng bus ng academy on the seventh night. Be careful outside and make sure to go away from spotlight, enjoy your rest with your family because an exciting schedule awaits for when you come back. Understood?"

"Yes, Miss Prieto."

Nag-simula nang magsi-akyat ang lahat sa bus. Kanya-kanyang tabi ng gamit at hanap ng upuan. Magka-tabi kami ni Lucas ngayon sa bandang likuran, si Brian naman ay nasa unahan habang si Alison ay tumabi sa isang junior.

Ang rason kung bakit magkaka-hiwalay kami, si Brian kasi ay malapit lang at isa sa mga mauunang bumaba ng bus. Si Alison naman at ang katabi niya, same village lang. Kami naman ni Lucas, kahit hindi kami ang pinaka-malayo ang bahay, last kaming bababa dahil mas secured ang mga bahay namin at as much as possible, hindi puwedeng ipakita sa ibang trainees.

Mga tatlong oras din ang byahe, nauna akong makarating sa bahay kaysa kay Lucas.

Nasa tapat ako ngayon ng isang malaking puting gate, makaluma ang labas pero modern na modern ang design sa loob ng isang malaking bahay na kitang-kita ang ganda dahil sa ilaw ng buwan at mga ilaw na naka-bukas sa loob nito.

Inilabas ko mula sa bag na dala ko ang card pass ko tsaka ini-scan sa gate para bumukas ito.

Sinalubong ako ng isang guard na mukhang gulat sa biglaang pagdating ko.

"Good evening po," bati kong may ngiti sa labi.

"Nako, sakto ho ma'am. Kumakain na po sila madam sa loob," malawak ang ngiting balita nito.

Nagtuloy-tuloy ako sa loob at binuksan ang malaking pinto, tumambad sa akin ang malinis at malawak na sala. Tahimik lang ang bahay ngunit rinig mula rito ang paguusap ng dalawang pamilyar na boses sa loob.

Nasakto namang nakita ako ng isang maid namin kaya pina-akyat ko muna ang gamit ko sa kwarto ko bago nag-tungo sa loob ng dining area kung saan dalawang gulat na mukha ang bumungad sa akin.

"Celestine! How did you go here? Did something happened?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.

"No, Mommy. We were granted a one week vacation after our three challenges, it was a success so the directors gave us some time to rest."

"Nako, sakto. Kumain ka muna, naparami ang luto ni Manang Lusing."

Bumeso muna ako sa kanina pa naka-ngiti lang sa akin para bumati.

"Napadpad ka rito, Kuya Lau?"

"Oh, Tita and I were discussing something. She's planning to invest in one of my up-coming movie projects," tugon niya naman.

"Ahh," ang tangi kong nasabi bago umupo sa tabi ni Kuya Lau. Nilapagan ako ng pinggan ng isang maid, nag-paalam siya na magtitimpla muna siya ng chocolate drink para sa akin dahil alam niyang mas preferred ko 'yon kaysa sa juice.

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon