17: I'm Sorry

25 7 4
                                    

"Do you have time pa? Can we talk?" Alison asked, pouting.

"Mamaya nalang, kailanga nang maayusan ka. Tara na," aya ko sa kanya palabas ng kwarto namin.

Dumiretso ako sa lobby dahil ako ang magdadala sa artists at ilan pang staff sa location ng taping namin ngayong araw.

Tinawagan ko na ang driver namin para i-ready na ang van. Habang naghihintay, nag-kape muna ako at kumain ng light breakfast.

Maya-maya lang ay nandito na ang ibang staff na naka-assign sa foods at drinks na dadalhin sa location dahil hindi namin alam kung ilang oras kami tatagal at mahirap naman na walang pagkaing dala.

Sunod na dumating ang van kaya inuna na naming ipasok ang mga gamit, sa dulo nagsi-upo ang staff habang sa bandang unahan ang artists. Ako naman sa tabi nalang ng driver umupo.

"Make sure na ready na ang lines niyo pagdating doon, kung kaya niyong in character na tulad ni Brian mas okay. Iwasan niyo nalang na masigawan kayo ni Direk," bilin ko sa kanila.

Hindi sila nag-salita, ramdam nila na hindi pa rin ako okay kay Lucas matapos ang nangyari kahapon.

"Ma'am, brownies po."

"Ay, salamat po, Kuya. Mahilig din kayo sa brownies?"

"Ah, hindi ma'am. Pinabibigay po 'yan ni Sir Lucas," binitawan o agad ang box ng brownies nang marinig ko ang sinabi niya.

"Sa inyo nalang 'yan, Kuya."

"Nako, ma'am. Ang bilin po ni sir ay kailangang maibigay ko po sa inyo 'yan, tsaka hindi po kami maaaring kumuha ng kahit na anong galing sa students."

Anong kailangan ni Lucas?

Umiling nalang ako at hinayaan sa may lap ko ang box ng brownies. Hanggang sa may ideyang pumasok sa isip ko.

"Sa inyo nalang, kailangan niyo ng energy ngayon araw." 

"Sure ka ba, Sis?" Tanong ni Alison.

"Oo, sa inyo na 'yan. Ubusin niyo na bago pa tayo makarating para hindi kayo pagalitan," tugon ko.

Inabot naman ni Brian ang box tsaka ibinahagi ang laman sa iba.

"Hay nako, kayo talaga."

Kumunot ang noo ko kay Brian.

Anong ibig niyang sabihin?

Nang makarating na kami sa location kung saan kami magt-taping, naka-handa na silang lahat. Mukhang hindi naman bad mood si Lucas ngayon dahil naka-ngiti ang ibang staff, kausap naman niya si Jason na mukhang masaya rin.

"Ate!" Patakbong lumapit sa akin si Jason, excited.

"Ganda ng gising mo ha?" Pabiro kong bungad.

"May pa-kain si Direk sa amin eh! Nag-sorry din siya sa nangyari kahapon," malawak ang ngiting balita niya sa akin.

Wow, buti pa sa kanila nag-sorry siya.

"Tara na, mags-start na ata tayo," aya ko sa kaniya nang makitang umupo na si Lucas sa director's chair.

Hindi kagaya kahapon, mas madali naming natapos ang mga kailangang i-shoot ngayong araw. Mas maaga kami nakapag-lunch ngayon kumpara kahapon, ala-una nang mag-aya na si Lucas na kumain na muna raw lahat.

May mga table na naka-set up para sa amin, si Jason naman ay busy pa mag-luto habang nandito sa iisang table kaming apat na magkakaibigan.

"Anong gusto mo kainin? May meat at barbecue ro'n, hindi ka naman diet 'no?" Tanong ni Lucas sa 'kin pero hindi ko siya pinapansin.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now