41: Catch Up

19 5 5
                                    

A few days ago, naka-tanggap ako ng tawag galing kay Lucas. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko, kung kina Brian ba o sa manager ko? O baka naman kay Kobe?

Inaya niya 'ko na mag-lunch kasama raw sina Alison at Brian to catch up on things and life, kaya nandito ako ngayon sa van, naka-black cap at mask at malapit na sa restaurant kung saan kami kakain.

White rubber shoes, low-waisted jeans at cropped sweatshirt ang suot ko. Simple lang at hindi elegante para hindi maka-agaw ng atensyon ng ibang tao. Hindi na rin ako nag-dala ng malaking bag pa, isang LV na mini handbag lang ang dinala ko sakto para sa wallet ko at lip balm.

Nang huminto na kami sa tapat ng restaurant, dahan-dahan akong pinagbuksan ng driver ng pinto at tinulungan pababa. Dumiretso naman ako agad sa loob ng restaurant kung saan sinalubong ako ng isang waitress.

"Good, Miss Gail. Sa VIP room po ang reservation niyo with Sir Khai, this way po."

Sumunod lang ako kung saan ako dinala ng waitress, pagbukas ng pinto, ako na lang pala ang hinihintay kaya napa-check ako sa relo ko.

"Aga niyo naman, right on time lang ako oh."

Bumeso sa 'kin si Brian at Alison kaya pakiramdam ko ay napilitan na lang si Lucas na bumeso rin.

"What's up?" Initiate ko agad ng conversation nang mailapag ko ang bag ko sa tabi ko at mahubad ang mask at cap ko.

"Grabe talaga ang buhay idol, naka-mask at cap pa!" Pang-aasar ni Brian na inambahan ko pero pinigilan ako ni Lucas.

"Mamaya ka sa 'kin," banta ko pa.

"Shall we order?" Pag-iiba ni Alison ng topic.

Kagaya ng sinabi niya, umorder kami ng lunch namin.

"Steak sa 'kin ha," bilin ko sa kanila since sila ang kumakausap sa waiter.

"Steak? Lunch 'to hoy, hindi dinner," paalala ni Brian.

"Steak din sa 'kin," singit ni Lucas bago pa magsimula akog sumagot kay Brian at makipag-away.

Hindi napigilan ni Brian ang maliit na ngisi sa labi niya at mahinang pag-tawa na natigil nang tumaas ang isang kilay ni Lucas, nagtatanong kung anong nakakatawa.

"Really? Steak?" Umiiling na wika ni Brian. "You hate eating steak at lunch, right?"

"I can if I want too. In fact, let me have a glass of wine too."

Napa-tingin ako bigla sa kanya.

Wine? Sa init ng tanghaling 'to?

"Ewan ko sa 'yo, bro."

Wala talagang laban si Brian pagdating kay Lucas, lagi siyang nababara ni Lucas.

"So, why don't we play a game while waiting for the main menu?" Suggestion ni Brian.

"Hindi ba dapat appetizer muna?" Banat nanaman ni Lucas sa kanya.

Halatang disappointed siya dahil wala siyang laban sa kaibigan niya kaya tinawanan ko na lang ang lalaking nasa harap ko.

"Okay lang 'yan, tara. Anong game ba?"

"Since we're here to catch up, let's play truth or dare. Kapag truth, the questions should be something about that person na you really want to know. Kapag dare naman, anything."

"Anything?" Concerned na tanong ko.

"Yes, Celeste. Anything," ulit ni Brian. "Risky but fun, ain't it?" He winked at me.

Binatukan naman siya ni Alison.

"Kung balak mo sirain career ng best friend ko, mag-break na tayo!"

"Hala, joke lang eh. Ito naman, joke lang. Mas mahal mo pa si Celeste sa 'kin?"

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now