23: A Date?

25 7 3
                                    

Nagd-drive ako ngayon kasama si Mommy. Sasakyan niya ang gamit namin at wala naman siyang angal kung ako ang magd-drive dahil may lisensya naman ako.

Malapit lang ang pupuntahan namin, halos five minutes away lang mula sa bahay. Hindi na rin namin isinama pa si Kobe dahil may tutotr siyang darating mamaya after lunch.

"Anong balak mo pala ngayong araw, Anak? Bakit bigla kang nag-aya ro'n?"

"Ah, may gusto kasi akong puntahan sa mall, Mommy."

Ngumiti lang siya at hindi na nagtanong pa. Alam ko ang iniisip niya pero hindi na lang din ako umimik pa.

Maya-maya pa ay hinarang kami ng isang guard sa tapat ng isang enclosed at malaking itim na gate.

I rolled down the window and the guard raised his eyebrow at me.

"Sino po sila? Naliligaw po ata kayo, Ma'am?" Medyo may pagka-masungit na saad nito.

"I'm Celeste, Lucas' friend."

"Ay, wala naman pong ibinilin sa amin si Sir Lucas na may darating siyang kaibigan. Baka ibang Lucas po ang tinutukoy niyo?"

Sumingit na si Mommy para hindi na humaba pa ang usapan. Bahagya siyang umusog mas malapit sa akin at ibinaba ang shades niya sa bandang ilong para tignan ang guard.

"Nako, kayo po pala. Pasensya na po, tuloy mo kayo. Sorry po," nag-madali ang guard na buksan ang remote controlled na gate.

Nag-park ako sa isang bakanteng space na tingin ko ay space ni Kuya Laurence. Naunang bumaba si Mommy na agad namang binati ng mga maid at mga naglilinis sa labas, ako naman ay inunang kuhanin ang ilang paper bags na dala ko na may lamang mga baked goods na ginawa ko kaninang umaga.

Nang bumaba ako, napa-tingin sa akin ang ilan sa kanila.

Na-conscious tuloy ako, karamihan pa man din sa mga narito ay bagong maids. Pero mukhang okay naman ang suot ko 'no?

Siguro naman hindi ako if-fail ng mga regalo ni Chanel sa akin noong nakaraan.

Naka-halter top ako na white, beige leather mini skirt, brown knee high boots na nasa two inches lang ang heels, at brown na Chanel jacket na naka-patong sa balikat ko. Dala-dala ko sa mga kamay ang dalawang paper bags na may baked goods at isang malaking box pa, habang nasa balikat ko naman ang isa pang galing sa pinsan ko na Chanel sling bag.

"Good morning po," bati ko sa kanila at medyo nag-bow.

"Ang ganda niya naman, sino siya?" Rinig ko sa dalawang maids na naglilinis malapit sa may sasakyan.

Aalis na sana ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Siya lang naman ang unica hija nila Mister Lim at Ma'am Christine," napa-tingin ako sa may-ari ng boses.

"Ate Cecile!!" Kahit maraming dala at niyakap ko siya hangga't kaya ko para bumati.

"Ang laki-laki mo na at ang ganda-ganda pa rin! Kamusta?"

"Nako, ayos na ayos po."

"Ang ganda niyo, Ma'am."

"Mga bago ba sila?" Tanong ko, umiiwas sa compliment.

"Ah, oo. Last month lang ang ilan d'yan," naka-ngiting sagot nito.

"Nice to meet you po," bati ko sa kanila. "Sige, mauna na muna po ako sa loob."

"Nako, kaya ako lumabas dahil hindi na makapag-hintay si Ma'am Minerva na makita ka. Noong Christmas kasi hindi kayo nagpang-abot dalawa 'di ba?"

Ngumiti lang ako bago pumasok sa loob. Kukunin na sana ni Ate Cecile ang dala ko pero sabi ko ay kaya ko na, gusto ko kasing ako mismo ang mag-abot sa kanila.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now