49: Final Hearing

34 5 3
                                    

Isang taon makalipas ang lahat ng nangyaring gulo, issue, rumours, at kung anumang negative na masasabi sa mga naganap sa career at buhay ko, final hearing na sa wakas.

Hindi pumayag si Lucas na hindi pagbayaran ni Stacey ang lahat ng nangyari sa 'kin nang dahil sa ginawa niya, itinuloy niya ang demanda kay Stacey for defamation. Kahit ako na mismo ang nag-udyok na 'wag nang ituloy dahil sapat na ang pagtalikod kay Stacey ng mga tao sa kanya, hindi pumayag si Lucas.

Maraming press ang naka-abang ngayon sa labas, naghihintay ng interview para makuha ang side namin at malaman ang final decision ng korte.

"The court finds the defendant... guilty."

Hindi ko na narinig pa ang mga sinabi ng judge dahil nag-ingay na sa loob ng korte sa saya. Tumayo si Lucas na confident at pumalakpak, ang family ko naman ay malawak ang ngiti. Habang sa kabilang side, makikita si Stacey na nagmamakaawa sa Tatay niya na tulungan siya, ngunit alam naming lahat na wala nang magagawa ang Tatay niya matapos magsi-alisan ang investors nila.

"Court is adjourned," huling rinig ko sa judge bago nag-ingay ang tatlong pukpok sa gavel niya.

Pinagkaguluhan kami ng press paglabas, tinatanong nila kung anong pakiramdam namin, may iba naman na nagtatak kung bakit itinuloy pa raw ni Lucas ang kaso at s'yempre, hindi siya nanahimik.

"My girlfriend will get what she deserves, and she does not deserve to be humiliated by a junior who only wants attention and fame. Bullying and defamation is not something that should be normalize in this society, please keep that in your minds."

"Ano naman pong plano niyo ngayon, Miss Gail?"

Ngumiti ako sa tanong ng isang reporter sa akin.

"You will know very soon," I smiled. "In fact, you'll know in an hour."

Matapos ang nakakapagod na araw, bumalik kami ni Lucas sa bahay kasabay sina Mommy, Dad, at Kobe.

Hindi ko inaasahang pag-balik namin ay sasalubong sa akin ang members ko.

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanila, nagsisigaw sila sa saya nang makita akong muli after a year. Puro online lang kasi ang meetings namin para safe at hindi makatunog agad ang media.

Nang makapasok kami sa loob, nakalagay sa sala ang isang malaking tarpaulin na may picture naming pito.

Welcome to Limelight Entertainment, Elysian!

Saktong pagkakita namin noon ang pag-tunog ng mga gadgets namin.

This is Elysian.

          On behalf of the seven members of Elysian, I, Chloe, the leader of the group made this letter to announce a very important part of our group's journey in this risky yet beautiful industry. Today, Elysian members have decided to sign with Limelight Entertainment following our group's contract termination from RPE about a year ago.

          From this day forward, our group will be promoted and managed by Limelight Entertainment. This is also to confirm that Elysian will continue with the same seven members: Chloe, Gail, Hana, Sena, Shine, Rain, and Kyla.

          Always seven.

Hindi ako makapaniwalang I made it. Nalagpasan ko ang madidilim na araw ng career ko.

Isang malaking ngiti ang humulma sa aking mga labi nang makita ang ngiti ng mga ka-members ko, ng family ko, at mga taong malapit sa akin.

Sa wakas, natapos din ang lahat.

Talagang hindi madali para sa 'kin ang lahat nang 'to.

Akala ko madali lang ang maging idol, akala ko puro saya lang, pero hindi pala.

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon