34: A Celebration

19 6 3
                                    

Binalewala ko ang issue na meron ang pamilya namin ngayon, focus ako ngayon sa nalalapit kong pag-alis. Kahit anong subok niyang i-contact ako ay hindi ko sinasagot 'yon at naka-block na rin ang number niya sa akin.

Sunod-sunod ang bati ng mga freshman, sophomore, at ilang junior students tuwing nakikita nila 'ko o nakakasalubong sa hallway.

Successful ang buong festival season at tinanghal ang team namin bilang performers of the year, isang award na ang ACA na ang may hawak ng ilang taon.

Walang pasok ngayong araw ang team namin kaya karamihan sa kanila ay mga nagpapahinga sa kanya-kanyang kuwarto ngayon. Pero ako, narito at papasok na sa faculty room kung nasaan ang karamihan sa teachers.

"Good afternoon po," silip ko sa faculty room.

"Oh, pasok ka hija!" Welcome sa 'kin ng isang teacher na hindi ko nakasama before pero siguro ay familiar siya sa 'kin.

"Uhm... may ibibigay lang po ako sa mga naging teachers ko."

"Ah, sige. Nandoon ang iba sa loob, pasok ka na lang."

"Salamat po," bow ko at tulyo-tuloy na naglakad sa loob.

Malawak ang faculty room pero matatanaw mo naman agad ang mga tao sa loob, kaya isa-isa kong nilapitan ang mga naging teacher ko mula noong freshman at inabot ang cupcakes at letters na hinanda ko para sa kanila.

Mabuti na lang at break ngayon ng students kaya lahat ng teachers ay naka-break din.

"Sandali, ang aga mo naman yata mag-bigay ng pa-blow out?" Biro ng isang teacher.

"Ah, sir... aalis na po kasi ako bukas."

"Bukas? Anong meron?"

"Oo nga, paano ang graduation mo?"

Napa-ngiti ako nang makita ang pagka-gulat nila na may halong pagaalala at lungkot sa mga mata, talagang minamahal nila ang mga estudyante nila kahit sinuman sila. Kung tutuusin, hindi nila alam na si Dad ang major director at investor ng ACA. Pero kahit hindi nila alam na ako ang anak niya, tinatrato nila 'ko nang maayos.

"Si Miss Prieto na po ang bahalang mag-explain, pero don't worry po, bibisita naman po ako minsan."

"Aasahan ko 'yan, ha?" Taas nang kamay nu'ng naging teacher ko during sophomore year.

"Sige po, una na po ako at mag-aayos na 'ko para sa celebration namin mamaya."

"Oo nga pala, congrats!"

"Congrats, anak!"

In-excuse ko na ang sarili ko at umalis na para bumalik sa kuwarto ko. Kailangan ko kasing mag-ayos na ng sarili ko at mag-suot ng semi-formal para sa party mamaya na gaganapin sa grounds, may curfew tuloy ang ibang year level para siguradong hindi sila lalabas during our party.

Nilatag ko sa kama ko ang tatlong outfits na pinagpipiliin ko para makit ako nang mas maayos. Naka-pambahay lang ako ngayon at hindi pa nagm-make up o ayos ng buhok.

"Ano kayang mas okay?" Parang baliw na kausap ko sa sarili ko.

Magd-dress ba 'ko?

Ang unang choice ko kasi ay isang red long sleeves turtle neck top at black trousers, 'yung pangalawa naman ay isang YSL na white dress galing kay Tita Minerva, last naman 'yung all black na outfit.

Pero tingin ko mas okay nang mag-white na lang dahil gabi, baka kapag nag-black ako mag-mukha akong nag-punta sa burol lang.

Inayusan ko na ang sarili ko at nag-lagay ng light make up, ginamit ko ang hair iron ko para gawing wavy ang buhok ko. Matapos 'yon ay sinuot ko na ang white dress, at sinunod ang puting heels na meron ako. Tinignan ko sa salamin pero parang masyadong simple tignan ang suot ko kaya naisipan kong mag-accessories.

Your Loving Melody | Completed ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ