48: Never Again

17 5 6
                                    

CELESTE'S POV

My morning started with a blast.

Parang ang ganda ng gising ko dahil bungad ang luto ni Alison sa akin, nandito rin si Brian at Lucas na sumabay sa amin kumain. Galing ang dalawa sa ospital kaninang umaga at maayos na raw ang lagay nila Mommy, tumawag din ang pinsan ko sa 'kin para i-confirm na wala nang risks sila Kobe at Mommy at uuwi na sila bukas.

"By the way, let's watching something."

Ako ang naka-upo ngayon sa puwesto ni Dad, ako raw kasi ang anak ng may-ari kaya rito ako pinaupo nila Brian. Hindi ko alam kung anong tipo ng palaisipan 'yon pero hinayaan ko nalang kaysa makipag-talo pa.

Iniabot ng isang maid ang isang iPad kay Lucas na nasa kanan ko ngayon.

May kung anu-ano pa siyang ki-ni-lick doon bago niya itayo sa gitna ng mesa ang iPad at nag-zoom in sa isang video.

Bumungad sa amin ang logo ng ACA nang i-play na niya ang video. Matapos ang ilang segundong intro, lahat kami ay napatigil sa pagkain nang lumabas ang mukha ni Miss Prieto.

Si Lucas mukhang gusto lang mag-focus kaya siya natigil, pero kaming tatlo, curious.

"Greetings, this is Venice Prieto, the head of Apollos' Chamber Academy, speaking."

Hindi pa rin nagbabago ang boses niya, ganoon pa rin. Maging ang itsrua niya, parang hindi siya tumatanda.

"As the head of ACA, I feel somewhat responsible to clear and make a precise and formal statement regarding matters between two alumnus of our academy. Yes, I am talking about Miss Celestine Abrigail Lim and Miss Stacey Jimenez whom you all know now as Stacey and Gail."

What the...

Napatingin ako kay Lucas, ang tanging ine-expect kong may pakana ng lahat ng ito. Siya lang naman ang may lakas ng loob na utusan si Miss Prieto.

"The accusations thrown at Miss Gail by Miss Stacey were all lies. I, as the head of the school can confirm this. In fact, Miss Stacey was dropped out by her own father because he knew what his daughter has done to other students. I am confident that many of their batch mates can confirm the bullying cases Miss Stacey has committed in the past. I debunk all accusations thrown at Miss Gail not because she is the daughter of one of the major directors of ACA. I am here because I don't want history to repeat itself."

Napa-yuko ako habang nagka-tinginan naman si Ali at Brian, alam naming lahat kung anong tinutukoy niya. Pero hindi ko inaasahang kaya na niyang ungkatin ang nangyari noon at banggitin 'yon sa social media ngayon.

"Most of you might not know, but I am the step-sister of Venessa Alegria. All of you must be familiar with the tragedy that happened to my beloved sister, and I admit that I wasn't able to protect my sister right. And as someone who became an "Ate" to many alumnus of ACA, I am taking a step forward to protect them."

Bigla kong naisipang bisitahin si Ate Ven. Parang gusto kong pumunta sa puntod niya at doon mag-kuwento sa kanya sa mga nangyayari sa 'kin ngayon. Pakiramdam ko tuloy gagaan ang lahat kapag nasabi ko sa kanya ang lahat, feel ko nga ngingiti pa siya sa taas kapag sinabi kong nagawa kong kayanin.

Alam kong hindi pa tapos ang laban na 'to, may issue pa rin hanggang ngayon. Pero alam kong malapit nang matapos 'to at makakaya ko 'to.

"Gail, was our top student from her freshman years up until her senior years. Today, Gail's record remains the highest in the history of Apollos' Chamber Academy, the elite school for arts and music. And we are willing to provide any evidence to show her talent and to help our almuni prove that she got to where she is right now, through her talent and nothing related to her family's power."

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now