27: Best Over Perfection

22 7 4
                                    

A month has passed.

Puro busy sa practice ang lahat, halos walang maayos na pahinga, puro rehearsals ang inaatupag ng lahat. Wala kaming magawa kundi mag-focus sa performance ng buong team at sa kanya-kanya naming performances.

Sa isang buwan ng pagp-practice, satisfied na 'ko sa solo performance ko. Maayos din at tuloy-tuloy ang practice ko kasama ang dalawang juiors at tatlong seniors rin na kakilala ko para sa group performance namin sa exclusive show.

Halos puro Solo ni Jennie, Love Shot ng Exo, at kung anu-ano pang kanta na gamimt namin sa performance ang paulit-ulit kong naririnig buong buwan.

"Linis nalang sa talon, off-beat."

Binato sa 'kin ni Lucas ang isang towel, pamunas dahil parehas kaming pawis na pawis na. Bukod sa iba pa naming performances, buong buwan din kaming nagp-practice ni Lucas para sa duo namin.

Bilang ngayon ang araw na ipapakita namin kay Miss Prieto ang progress ng rehearsals namin buong buwan, mas pinag-iigihan namin para walang mai-comment na hindi maganda.

"Ano kayang mangyayari mamaya sa 'tin?" Diretso sa salamin ang tingin kong nag-tanong kay Lucas na umiinom ng tubig.

"What do you mean?"

Huminga ako ng malalim. "Ipapakita nating lahat ang performances natin kay Miss Prieto, what if hindi niya magustuhan? What if magka-mali ako? What if hindi siya ma-satisfied?"

Umiling ito sa akin bago ako tinabihan. "Walang mangyayari kung lulunurin mo sa what if's ang sarili mo, Tine."

"Alam ko. Pero hindi naman ganoon kadaling iwasan na mag-overthink, 'di ba?"

"Unfortunately, I can't tell you that you don't have to please anyone. Because the truth is, you need to please everyone in this industry. You will have to wait until you've made your name more powerful than them," he shrugged.

Tama naman siya. Mahirap pero ang dami pa rin ang gustong sumubok sa industriyang 'to.

"Kapag pangarap mo, talagang kaya mong ibigay lahat 'no?"

Diretso pa rin sa salamin ang tingin ko habang naka-sandal sa pader, naka-upo. Pinagmamasdan si Lucas na naka-tingin sa akin ngayon.

Ano kayang iniisip niya ngayon habang naka-tingin siya sa 'kin? Nararamdaman din ba niya ang nararamdaman ko ngayon? O ako lang talaga ang malakas ang kabog ng dibdib at parang gusto nang kumawala ng puso?

Gusto mo na rin ba 'ko, Lucas? Kasi ako, oo.

"Oo naman. Kapag pangarap mo, kaya mong gawin lahat para ro'n. Kahit ano, is-sacrifice mo. Dreams over anything, right?"

I smiled at him. "Dreams over anything," agree ko.

"Kahit laban sa taong mahal mo?" Hindi ko na natiis pa, nilingon ko siya. Inalis ko ang tingin sa malaking salamin sa loob ng practice room at sinalubong ang mga titig niya.

Gusto kong sabihing 'Ano ba talaga ang definition ng pag-ibig?'

Pero kung tatanungin ko sa sarili ko ngayon, iba't-ibang memories ang pumapasok sa isip ko. Memories mula noong pagka-bata ko hanggang ngayon. Lahat ng saya, lungkot, paghihirap, takot, lahat-lahat ng naranasan kong masasabi kong naging malaking tulong para matutunan ko kung ano ang pag-ibig. Pero ang nakakatawa... naroon si Lucas sa lahat ng 'yon.

"Oo naman," nginitian ko siya. Nag-iba ang tingin niya kaya umiwas ako at binalik sa salamin ang tingin. "Kahit anong kalaban, kung para sa pangarap ko, haharapin ko. Kahit sa taong mahal ko pa, pangarap pa rin ang mauuna. Masabi na ng iba na selfish ako sa part na 'to, pero hindi ko sasayangin ang ilang taon na pinaghirapan ko para sa pag-ibig."

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon