30: Duet?

27 6 1
                                    

Ilang buwan na rin ang naka-lipas, natapos na ang rehearsals at tagumpay kaming nakapag-perofrm sa ilang universities ngayong festival season.

Kung busy at paguran kami noong practice, mas doble ngayon ang pagod. May ilang beses na nagka-aberya kami, may mga problema, may times na may hindi napapagkasunduan ang team, pero lahat 'yon ay naaayos din naman namin agad.

Masasabi kong maraming beses din na nasubok ang buong team, sa ilang buwan na magkakasama kami, sigurado akong mas naging malapit kaming lahat sa isa't-isa. Confident naming masasabi na matatag ang nabuo naming bond as a team, mas naging matatag din ang friendship namin nila Ali, Brian, at Lucas.

At kung may isang tao man na lalo akong napa-lapit sa mga nakaraang buwan, si Lucas 'yon.

Aaminin kong nag-fail ako, mali ang pagaakala ko noon na madaling mawawala ang feelings ko para sa kanya. Akala ko katulad noon, lilipas lang 'yung pakiramdam, 'yung pag-tingin, at 'yung kilig. Pero mali ako.

Dahil na-realize kong kahit kailan... hindi naman pala nawala 'yung feelings ko para sa kanya mula noong freshman.

"Tayo ka d'yan, I'll take a picture of you."

"Ihh, ayoko."

"Isa,"

"Ito na nga!" Pumwesto agad ako sa may puno.

Gabi na ngayon at nasa isang university kami, katatapos lang ng program at nage-enjoy nang mag-party at magpunta sa mga booths ang mga students nila rito. Habang may free time pa, naglilibot-libot kami.

Labag talaga sa loob ko 'yung pag-baba ko sa bus ng team namin. Pinilit lang naman kasi ako ng katabi kong si Lucas dahil mukhang maganda raw 'yung mga puno sa isang side, which is kung nasaan kami ngayon.

May mga lights kasi sa paligid ng mismong puno, sakto dahil madilim na at may isang post ng ilaw sa gilid no'n kaya maganda ang lighting.

"Ngiti ka pa," uto sniya na sinunod ko nalang para matapos na kami.

"Isa pa, lagay mo 'yung kamay mo sa pisngi mo."

"Ginagawa mo na 'kong bata, eh!" Singhal ko.

"Hindi ah, malaki kasi 'yung sweater ko sa 'yo kaya ang cute tignan."

"Eh 'di ikaw na ang matangkad, sorry ha? Kung maliit sa 'kin 'tong sweater mo," pagd-drama ko pa.

"Sus, dali na!"

Ginawa ko naman kung anong sinabi niya, may malawak na ngiti sa mukha. Pagkatapos no'n ay nagpa-picture pa 'ko ulit na nakatalikod at medyo naka-tingin sa may kaliwa, naka-taas ang kanang braso at naka-peace sign.

"Ikaw naman!" TInulak ko siya sa kung saan ako naka-puwesto kanina at binunot ang phone ko.

"Dali, pose!" Utos ko sa kanya.

Surprisingly, hindi naman siya nag-reklamo. Hinayaan niya lang akong mag-take ng pictures niya, sinunod niya rin kung anong gusto kong maging pose niya. Nakaka-guilty tuloy, feel ko ang tigas ng ulo ko kanina.

"Tara na," ayaw ko naman agad nang matapos ko siyang kuhanan ng pictures.

Nang makabalik kami sa bus, may kinakaing cheese sticks sina Brian at Ali.

"Uy, sa'n kayo galing? Hinahanap ka namin, Celeste."

"Bakit?"

"May nakita kaming isaw ro'n, sabi ni Ali baka raw magustuhan mo. Wala ka pang dinner eh," tugon ni Brian habang hinahalo ng maayos ang sawsawan nila.

Nakakatakam nga, gutom pa man din ako. Pero dahil tinatamad na 'kong bumaba pa at mag-lakad ulit, hindi ko nalang pinansin at umupo na sa may bandang bintana.

Your Loving Melody | Completed ✔Where stories live. Discover now