07: Catch Me

51 9 6
                                    

Diyos ko, kayo na bahala sa 'kin, Lord. I hope my brother can continue whatever he wants to do, please make sure that Dad stays healthy and energetic as always.

Hindi ko maiwasang mag-dasal nang paulit-ulit dahil second level na ang aaralin namin ngayong araw. Mula kaninang nags-shower ako hanggang ngayon na naglalakad ako sa grounds ay pagdarasal nalang talaga ang nagawa ko.

"Huy, lalim ng iniisip natin ha?"

"Ay, Brian. Ikaw pala 'yan."

"A penny for your thoughts? Makikinig ako," may ngiting ani Brian.

"I'm just nervous."

"Kasi mas mataas na ang gagawin natin today?"

"Yes... nakakatakot eh. Lalo na't bandang dibdib niyo na ang taas ng itatayo ko, what if bumagsak ako?"

"Edi sasaluhin kita, para saan pa't spotter mo 'ko?"

Natahimik ako sa sinabi ni Brian. Tama nga naman siya, spotter ko siya kaya trabaho niyang saluhin ako in case na bumagsak ako at pumalya.

Pero hindi ko maiwasang kabahan...

"Its okay if you don't trust me, mahirap talaga kapag may fear of heights eh."

"No! Its not like I don't trust you, of course, I trust the team. Kaso hindi ko talaga kaya eh," napayuko nalang ako.

"Don't think like that, Celeste. Kaya mo 'yan," huminto kami saglit sa hitna ng hallway. "Maniwala ka sa sarili mo, gaya ng paniniwala ni Lucas sa 'yo."

Ano namang kinalaman ni Lucas?

"Excuse me, puwedeng mag-usap na hindi naka-gitna sa daan."

Putcha! Nagulat ako sa biglang pag-sulpot ni Lucas, akala mo kabute!

"Lucas!"

Hindi pinansin ni Lucas si Brian at sinara ng tuluyan ang pinto ng room.

Kumunot ang noo ko, "Problema no'n?"

"Mood swings, kahapon ko pa sinusuyo 'yan."

"Ha??? Mood swings? Ano siya, babae?"

Tumawa lang si Brian bago ako pinagbuksan ng pinto.

Hinanap ko si Lucas nang makapasok na kami sa loob, nakita ko naman siya agad. As usual, kasama niya si Stacey at inaalok siya ng pagkain nito pero mukhang inayawan niya dahil sumimabgit ang mukha ng junior.

Hindi kasi kumakain agad si Lucas kapag umaga.

"Kung ako sa 'yo magpapalit ako ng top."

"Bakit? Okay naman 'to ah?"

"Madudunihan 'yang white shirt mo, mas maraming beses ka malalaglag today."

Amputek.

"Wow, ha? Alam mo hindi ko alam kung concerned ka lang o nanlalait ka eh!"

"Luh, concerned lang! Ito naman, masyadong pikunin."

"Ako pa pikon?!"

"Sso napipikon ka nga?"

"So nang-aasar ka nga?" Hindi suya nakapag-salita sa rebut ko.

Biglang may tumama sa mukha ko, pinulit ko ito at pinagmasdan.

Isang black v-neck shirt.

"Magpalit ka na, madudumihan favorite shirt mo."

Huh? Paano nalaman ni Lucas na favorite shirt ko 'to?

Napatingin ako sa suot kong puting t-shirt na may print na "You got this."

"Thanks," matipid kong sabi na nginitian niya lang.

Your Loving Melody | Completed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon